Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpuputol ng puno ni Diego, inintriga

READ: Naudlot na honeymoon nina Anne at Erwan, haharapin na

TUMULONG lang mag-ayos ng kanilang garden si Diego Loyzaga, inintriga pa siyang nagpuputol ng puno. Ipinaliwanag naman ni Diego na hindi nila pinapatay ang puno, inaalis lang iyong hindi magandang sanga para tubuan ng mga bagong usbong. Natural na ginagawa iyon eh para mas lumago ang puno. Eh iyon namang nakakita lang ng pictures, nakialam agad.

Ang totoo, sinasa­mantala nila ang ulan, sabi naman ni Teresa Loyzaga, para maitanim iyong iba pang mga fruit trees na gusto nilang itanim. Kung namumunga nga naman ang mga puno mas pakikina­bangan. Binabawasan   lamang ang isang puno ng ipil-ipil para magbigay daan nga roon sa mga punong namumunga na itatanim na nila.

Kaso nga, iyong mga wala namang kamalay-malay kung ano ang ginagawa nila sa loob na ng bakuran nila, nakita lang sa social media nakialam na. Iyan ang hirap minsan sa iba eh. Akala nila maaari na nilang pakialaman ang buhay ng may buhay. Iyan ang hindi namin ginagawa sa lehitimong media. Hindi kami nanghihimasok sa bakuran ng may bakuran. Hindi kami nakikialam kung hindi naman namin alam talaga kung ano ang gusto mangyari ng tao sa sariling buhay niya. Hindi kami iyong may feeling na pati yata pag-utot ng kapwa niya tao akala niya alam niya.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …