Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Drug war ni Duterte pang-Hollywood na

MAGING ang Holly­wood ay nabulabog na rin sa isinusulong na drug war ni Pangulong Rodri­go Duterte.

Nag-courtesy call kay Pangulong  Duterte kamakalawa ng gabi si Holywood actor-pro­ducer Stephen Baldwin sa Grand Hyatt Hotel sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Sinabi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na pinuri ni Baldwin ang mataas na trust rating ng Pangulo ay patunay aniya ng matagumpay na pamumuno sa bansa.

Tugon ng Pangulo kay Baldwin, ginagawa lamang niya ang pangako niya sa taongbayan na malabanan ang patuloy na paglaganap ng ilegal na droga sa bansa, pag­sawata sa mga insidente ng korupsiyon at pani­niguro sa kapayapaan at seguridad ng bansa.

Si Baldwin ay isa sa lead actors ng pelikulang may pamagat na ”Kaibigan,” na hango sa istorya ng anti-drug campaign na magka­ka­roon ng international screening sa Oktubre.

Kasama sa pelikula si dating  Tourism Pro­motions Board chief Cesar Montano, PCOO Asec Mocha Uson, at maging si Go na may extra role bilang  coach.

Sinabi ni Uson, isang malaking hamon para sa kanya ang pagganap na isang journalist sa peli­kula dahil base sa kan­yang karanasan sa pagko-cover kay Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang Malacañang Press Corps, hindi madali ang pagiging reporter.

Pagkatapos kasi aniya ng isang interview, kinakailangan magsulat ang mga journalist dahil sa deadline.

Sa ngayon aniya ay wala pang script o brief­ing para sa kanyang role bilang journalist.

Ayon kay Baldwin,  isa sa mga dahilan sa paggawa ng pelikulang “Kaibigan” ay para mai­parating sa mga kabataan ang maaaring kahihi­natnan nila sa maling desisyon sa buhay.

Samantala, binigyan din ni Baldwin si Pangu­long Duterte ng libro na may titulong “The Un­usual Suspect,” isang auto biography ng kani­yang outlook sa buhay at commitment sa Pangi­noon.

Nangako ang pangulo na babasahin niya ang libro kapag nakakita siya ng libreng oras.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …