Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carandang tuluyang sinibak ni Duterte

SINIBAK ng Palasyo sa serbisyo si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Caran­dang dahil sa graft and corruption at betrayal of public trust.

Ang desisyon ng Office of the President ay nag-ugat sa inihaing reklamo laban kay Ca­randang hinggil sa pagsisiwalat ng mga walang katotohanang impormasyon hinggil sa umano’y unexplained wealth ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang pamilya.

Sa panayam kay Carandang noong 27 Setyembre 2017, sinabi niya na hawak na niya ang bank transactions mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) kaugnay sa inihaing reklamo ni Sen. Antonio Trillanes IV laban kay Duterte sa Ombuds­man.

Itinanggi ng AMLC na may inilabas silang mga dokumento kaugnay sa bank transactions ng mga Duterte taliwas sa paha­yag ni Carandang.

“He was clearly only interested to broadcast an information adverse to the President. His keeping mum about an infor­mation that was favorable to the President clearly amounted to manifest partiality,” sabi sa utos ng OP.

Bukod sa dismissal from service, iniutos din ng OP na tanggalin ang eligibility ni Carandang, ang kanyang perpetual disqualification from holding public office, at forfeiture ng kanyang retirement benefits.

Naniniwala si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na ang pag­ka­luklok kay Samuel Martires bilang bagong Ombudsman ay mag­da­ragdag ng ngipin sa kampanya kontra-ko­rupsiyon ng adminis­trasyong Duterte.

Malaki aniya ang tiwala ni Pangulong Duterte sa kakayahan at kredibilidad  ni Martires lalo na’t rekomendado siya ng Korte Suprema.

(ROSE NOVENARIO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …