Saturday , November 16 2024

Duterte bibisita sa Israel at Kuwait

INAAYOS ng Palasyo ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel sa darating na Setyembre.

“There will still be a joint official announcement on the dates in September,” ayon kay Special Assistant to the President Christopher ‘Bong” Go sa text message sa Palace reporters. Noong Mayo 2017 ang unang schedule ng Israel visit ni Duterte ngunit naunsyami dahil sa Marawi siege.

Inaasahang tatalakayin sa pulong nina Duterte at Israel Prime Minister Ben­jamin Netanyahu ang mga kasunduan hinggil sa agrikultura at seguridad pati ang pagkakaroon ng Israel-PH direct flight.

Sinabi ni Go na maaa­ring sa darating na Oktubre mag­tungo si Duterte sa Kuwait depende sa sche­dule ni Sabah Al Ahmad Al Jaber.

Nauna nang sinabi ni Duterte na personal siyang magpapasalamat sa Emir dahil sa pagpayag sa mga ibinigay niyang kondisyon para sa maayos na trato sa overseas Filipino workers (OFWs) gaya ng pagbuo ng special unit sa kanilang pulisya na makikipag­tulu­ngan sa Philippine Embassy kaug­nay sa mga reklamo ng mga Pinoy na puwedeng magres­ponde nang 24 oras at isang special number na puwedeng tawagan para humingi ng ayuda. (R. NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *