READ: BOL nadiskaril
READ: Bicam report sa BOL niratipikahan ng Senado
NAGING “collateral damage” ang panukalang Bangsamoro Organic Law sa internal na hidwaan sa liderato ng Mababang Kapulungan.
“The BOL suffered this temporary setback, as a ‘collateral damage’ to an internal leadership issue in the House but I trust and expect that in due time, the ratification which it deserves, will take place as a matter of course,” ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza.
Paliwanag ni Dureza, ang pagkabigo ng Mababang Kapulungan na ratipikahan ang BOL ay walang kinalaman sa nakasaad sa batas bagkus ay bunga ng iringan sa liderato ng Kamara de Representantes.
“The failure to ratify is unfortunate but it has nothing to do with the BOL itself. It was due to some leadership issues internal to the House of Representatives,” aniya.
Napaulat na ang biglang pag-adjourn ng session ng Kamara at hindi pagratipika sa BOL ay bunga ng manifesto na nilagdaan ng mayorya ng kongresista na nananawagan na patalsikin si Alvarez bilang Speaker at palitan ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Ikinalungkot ng Palasyo ang hindi pagratipika ng Kamara sa BOL at itinuturing itong “temporary setback” sa hangarin ng administrasyong Duterte na umiral ang tunay at pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
(ROSE NOVENARIO)