Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gary V., excited nang makabalik ng YFSF at ASAP

INAMIN ni Gary Valenciano kay Korina Sanchez-Roxas sa pogramang Rated K na nahalata ng anak niyang si Gab na hindi na siya masyadong nakahahataw sa pagsayaw noong ika-35 anibersaryo sa ASAP. Hirap na siyang i-sway ang mga kamay kompara sa kanyang previous dance numbers na talagang hataw.

Agad niyakap ni Gary ang kanyang anak pagkatapos ng kanyang production number at binulungan itong nahihirapan siyang huminga at naninikip ang dibdib. Napag-alamang na-block ang daluyan ng dugo patungo sa kanyang puso na naging dahilan kaya madali itong mapagod.

Out of curiosity, pagkatapos ng heart operation ay tinanong ni Gary ang kanyang doktor kung hanggang saan na lang siya? Tinapat siya na isang lundag na lang sa kanyang pagsasayaw noong mga sandaling ‘yun ay matutuluyan na siya.

“Hindi na raw ako aabot sa pinakamalapit na hospital sa ABS-CBN. Kaya, malaki ang pagpapasalamat ko sa Maykapal. Talagang ginabayan ako, hindi ako iniwan,” pahayag ni Gary.

Masaya na ang lahat sa pag-aakalang magaling na si Gary pero muling nagkaroon ng malaking problema dahil nadiskubreng mayroon itong kidney cancer. May nakita sa kidney at base sa resulta, mayroon siyang cancer of the kidney.

“Siyempre ‘yung reaction ko, alam ito ni Angelie pero ‘yung reaction ng mukha ko, hindi niya ma-explaine eh. Kasi cancer of the kidney tapos dinagdagan pa ng ‘malignant.’ Base PEPSCA, napatunayan na hindi nag-spread ang cancer. Kaso wala akong sintomas.”

Noong June 13, tahimik na ipinasok muli si Gary sa operating room. Aniya, “Siniguro sa akin ng mga doktor na after the operation ay walang matitirang cancer cells at nagawa nila ito. Nakatanggap ako ng message sa doktor ko na cancer- free na ako,” pahayag nito.

“It was really a good news. Gusto ko kasi sasabihin sa tao ‘pag nakarinig ng salitang cancer ay sasabihin nila na may cancer ito. It is gone already pero gusto ko talagang i-share sa lahat dahil iba talaga ang trato ni Lord sa akin at kailangan kong dumaan sa ganitong pagsubok. Actually, nagpapasalamat ako kasi kung minsan kailangan talaga dumaan sa ganyan ang tao para malamang mayroong Lord.”

Ayon kay Gary, nasasabik na siyang bumalik sa Your Face Sounds Familiar, ASAP at may offer siya na mag-judge muli ng isang show.

“Malalaman din kung anong show ito at talagang excited ako,” masaya nitong wika.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …