Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amyenda sa Party-list Law iginiit

READ: Amyenda sa Saligang Batas iatras na — solons

MATAPOS ilabas ang mga Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) ng mga mam­babatas, iginiit ni Akba­yan Rep. Tom Villarin na kailangan nang amyendahan ang batas na nagsasakop sa party list system.

Ayon kay Villarin, kailangan nang amyenda­han ang party-list law upang matanggal ang mga “political butter­flies” at ang mayayaman, sa sistema na nakalaan sa marginalized sector.

“Kailangan nang i-amend ang party-list law na naglalayong magka­roon ng representasyon ang bawat sector, ang pinakadiwa ng batas ay para sa mga “under-represented” o “margin­alized groups,” ani Villarin na bunga ng party-list system.

Lumabas sa balita na ang pinakamayamang miyembro ng Mababang Kapulungan ay nagmula sa party-list groups.

Sinisi ni Villarin ang Korte Suprema sa pag-interpreta sa Batas (RA 7941) ng party-list na nagpahina sa tunay na intensiyon nito.

Ayon kay Villarin nakasaad sa Saligang Batas na ang Party-List seats ay limitado sa mga sektor na tinutukoy sa Section 5(2) of Article VI ng Konstitusyon na sina­bing 20 porsiyento ang alokasyon ng party-list sa kabuuhan na miyembro ng Kamara.

Kalahati, umano, sa alokasyon ng mga party-list ay ilaan sa sektor ng “labor, peasant, urban poor, indigenous cultural communities, women, youth, and such other sectors as may be pro­vided by law, except the religious sector.”

Ani Villarin, ang Saligang Batas at ang RA 7941 na nakasasaklaw sa party-list system ay hindi nangangahulugan na kasama ang ‘non-sectoral parties’ kasama ang mga bilyonaryo na pinayagan ng Korte Suprema sa desisyon nito kamaka­ilan.

Lumabas sa SALN ng mga kongresista na ang pinakamayamang miyembro ng Kamara ay nagmula sa hanay ng party-list na pinangu­ngunahan ni 1-Pacman Rep. Michael Romero na may halagang sobra sa P7-bilyon kasunod si Diwa Rep. Emmeline Aglipay Villar na nagka­kahalaga ng P1.5-bilyon.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …