Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

No-El ni Alvarez wala sa hulog — solon

ANG panawagan ni House Speaker Pantaleon Alvarez  na ipagpaliban ang eleksiyon sa May 2019 ay wala sa hulog.

Ayon kay Rep. Teddy Baguilat ng Ifugao, nagpapakita itong man­hid ang admi­nistrasyong Duterte sa mga pa­nga­ngailangan ng taong­bayan.

Ang kailangan, aniya, ng mga tao ay pigilan ang inflation, taasan ang mga sahod, trabaho, lutasin ang kahirapan, labanan ang korupsiyon, at igiit ang soberanya ng Filipi­nas sa teritoryo nito.

Ang mga Filipino ayon sa mga nakalipas na survey ay ayaw sa charter change at walang alam sa federalismo.

Ang pangunahing dahilan, ani Baguilat, kung bakit pinalitan si Sen. Koko Pimentel bilang Senate President ay pagtulak sa “no election.”

“Si Sen. Koko ay pro cha-cha, con-ass at federalismo, pero hindi siya sang-ayon sa ‘no-election scenario’,” ani Baguilat.

Magkaiba aniya ang timetable ni Alvarez at ni Pimentel kaya siya pina­litan.

Ani Baguilat ang pamumuno ni Pimentel sa Senado ay makadi­diskaril ng NO-EL scenario.

ni Gerry Baldo

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …