Sunday , May 4 2025

Palasyo dumistansiya sa No-El ni Alvarez

DUMISTANSYA ang Palasyo sa panukala ni House Speaker Pantaleon Alvarez na iliban ang midterm elections sa susunod na taon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nananatili ang pani­nindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang nakasaad sa 1987 Constitution na idaos ang halalan sa nakatakdang petsa.

“Gaya nang paulit-ulit na nating sinabi, ang Presidente po ang tagapagpatupad ng ating Saligang Batas; hanggang hindi po mababago ang petsa ng halalan na nakasaad sa ating Sali­gang Batas, ipatutupad po ‘yan ng Presidente – matutuloy po ang elek­siyon ng 2019,” ayon kay Roque sa press briefing kahapon sa Palasyo.

Ang tanging posibi­lidad na maunsyami ang 2019 midterm elections ay kapag naratipika nang maaga ang panu­kalang Federal Constitu­tion, ibig sabihin ay wala nang bisa ang 1987 Constitution.

“Ang only possibility po e kung ma-ratify nang mas maaga itong pro­posed new constitution in which case na ‘87 Con­stitution would cease to have legal effect ‘no, pero habang wala pa pong bagong Saligang Batas sisiguradohin po ng Presidente magkaka-eleksiyon,” ani Roque.

Binigyan diin ni Roque, ang desisyon kung itutuloy o hindi ang eleksiyon ay nasa kamay ng Ehekutibo at hindi ng Kongreso.

 (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

3RDEY3 AI

Prediction ng AI: Abby Binay, puwedeng malaglag sa Magic 12

KUNG pagbabatayan ang pag-aanalisa ng artificial intelligence ng 3RDEY3 (@3RD_AI_) na naka-post sa X, may …

Comelec Vote Buying

2 kapitan umangal sa vote buying vs Cong sa Aklan

IBINULGAR ng dalawang barangay chairman na nagsampa ng disqualification case laban kay Aklan 2nd District …

Move it

TWG sa Move It: Itigil operasyon sa Cebu at CdO

PINATAWAN ng Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC Taxi TWG) ng parusa ang Move It …

Sulong Malabon

Sulong Malabon movement todo suporta sa kandidatura ni mayor Jaye Lacson-Noel at congressman Lenlen Oreta

TAHASANG nagpahayag ng suporta ang multi-sectoral movement na Sulong Malabon sa tambalan nina Congresswoman Jaye …

Comelec Money Pangasinan 6th District

Sa Distrito 6 ng Pangasinan
Rep. Marlyn Primicias-Agabas nagreklamo sa COMELEC at PNP vs malawakang vote buying

NAGHAIN ng dalawang magkahiwalay na liham si Representative Marlyn Primicias-Agabas ng Distrito 6 ng Pangasinan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *