Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tarps, billboards, posters ipinababaklas ni SAP Bong Go

IPINATATANGGAL na ni Special Assistant to the President (SAP) Christo­pher “Bong” Go sa kani­yang mga tagasuporta ang mga nakapaskil na posters, tarpaulin at billboards ng kanyang mukha, ilan sa mga ito ay nanghihikayat na tu­makbo siya sa 2019 elections.

Ito ay sa harap nang patuloy na pagbatikos kay Go dahil sa umano’y maaga niyang panga­ngampanya, na nakikita mula sa mga nakapaskil na billboards at tarpau­lin.

Binatikos ng mga kritiko ng administrasyon, partikular ni Renato Reyes ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), ang billboards ni Go at sinabing humihingi uma­no ang opisiyal ng pondo sa kaniyang mga taga­suporta para sa maagang kampanya.

Gayonpaman, iginiit ni Go na wala siyang kinalaman sa nasabing mga billboard at tarpau­lins.

Binigyang diin ng kalihim na hindi siya katulad ng ibang grupo na puwersahang nanghi­hingi ng pondo sa mga indibiduwal o nego­s-yante para maisulong ang kani­lang pansariling interes.

Kasabay nito ang paggiit ni Go na hindi siya intresado sa pagtakbo dahil marami aniyang trabaho pa ang kaila­ngang gawin.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …