Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robredo desmayado kaya nag-lider sa oposisyon — Roque

ISINIWALAT ng Palasyo, nag-apply muli na maging miyembro ng gabinete si Vice President Leni Robredo bago nagpasya na maging pinuno ng oposisyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, umaasa ang Malacañang na malinaw na ang papel ngayon ni Robredo matapos sumubok muli na maging bahagi ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi binanggit ni Roque kung anong posisyon sa gabinete ang nais na masungkit ni Robredo na hindi nakuha.

“Sinabi naman namin e importante rin ang oposisyon sa demokrasya. Pero good luck po, at sana po ay malinaw na ang papel ni Leni Robredo dahil nitong kailan lamang po e parang nag-a-apply muli siya sa Gabinete ni Presidente. So, ngayon at least mayroon na siyang desisyon na sa oposisyon na siya at hindi na siya umaasa na makapasok muli sa Gabinete ng ating Pangulo,” ani Roque.

Matatandaan, sinibak ni Pangulong Duterte si Robredo bilang housing czar noong Disyembre 2016 dahil sa pagkakasangkot niya sa desta­bilisasyon laban sa administrasyon.

Tiniyak kamakalawa ni Duterte, hindi niya ipamamana kay Robredo ang Palasyo dahil walang kakayahan ang bise-presidente na pamunuan ang bansa.

Sinabi ng Pangulo, hindi siya magbibitiw sa puwesto para ipalit sa kanya si Robredo bagkus ang hirit niya sa Consultative Committee at Kongreso ay dagdagan ng probisyon sa panukalang Federal Constitution na magdaos ng eleksiyon para sa magsisilbing transition president.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …