Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah at Lovi, mawawala ng 1 buwan

NAKAGAWIAN na ng Pop Princess na si Sarah Geronimo na nawawala sa sirkulasyon sa buong buwan ng Hulyo dahil ito ang kanyang birth month (July). Kailangan na rin itong magpahinga pagkatapos ng kanyang sunod-sunod na concerts, here and abroad.

Sa panayam kay Vic del Rosario, kinompirma nito na consistent na namamahinga ang Pop Star tuwing birthday month (July 25) nito. Wala siyang kompirmasyon kung saan magbabakasyon ang kanyang alaga.

Natapos na ng Pop Superstar ang kanyang concert tour sa Amerika.

Sa pagbalik nito ay hinarap ang shooting ng Miss Granny (Twenty Again) na may playdate na August 22. Katatapos lang nito ng kanyang Davao concert entitled This Is 15 noong June 30.

Katulad ni Sarah, mawawala rin ng isang buwan si Lovi Poe at ang dahilan ay mag-aaral ng intensive acting sa isang acting school sa USA. May nagtataas ng kilay kung bakit kailangan pang mag-aral ng acting kung wala namang pinaghahandaang big budgeted movie na gagawin.

May tsika ring mag-a-abroad si Jolo Revilla para kumuha ng kurso na may kinalaman sa kanyang pagiging politiko. Kailangan niya ng karagdagang kaalaman para sa pag-aambisyon ng mas mataas na posisyon sa gobyerno.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …