Sunday , December 22 2024

Federalismo mina-marathon — Solon

MINAMADALI ang mga pagbabago sa Saligang Batas para maisa­katu­pa­ran ang pangako ng Federalismo na ipagyayabang ni Pangulong Rodrigo  Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address sa darating na 23 Hulyo 2018.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, may komedya nang aprobahan ang krokis ng “Federal Constitution” sa kadahi­lanang magkalaroon ng konsultasyon kapag nai­sumite ito kay Duterte sa 9 Hulyo.

Inusisa ni Lagman ang Consultative Committee na pinamumunuan ng dating mahistrado ng Supreme Court na si Rey­nato Puno kung bakit nagtakda ng regional consultation sa Legazpi City sa 6 Hulyo, dala­wang araw bago isumite ang nasabing dokumento sa Malacañang.

Wala aniya itong sapat na konsultasyon at tila inilagay ng komite ang karitela sa unahan ng kabayo.

Pinuna ni Lagman ang direktiba ng Depart­ment of Interior and Local Government na nag-uutos sa lahat ng mayor, vice mayor at mga konsehal na dumalo sa gaganaping konsultasyon sa Legazpi.

Inutusan din umano ang mga mayor na mag­paskil ng karatula na nagsasaad ng su­porta nila sa Fede­ralis­mo.

Sinabi ni Lagman, hanggang ngayon wala pang kopya ng “Federal Constitution” ang mga lokal na opisyal habang sila ay inaatasan na dumalo at suportahan ang isang “Federalism Convention.”

Isiniwalat din ni Lagman, sa 17 rehiyon, tatlo lamang ang may kakayahan na maging federal states – Metro Manila, Calabarzon at Region 3. Ang iba pa, ani­ya, ay lugmok sa kahi­rapan.

Hindi rin, aniya, alam ng karamihan ng Filipino ang panukalang baguhin ang porma ng gobyerno mula presidential tungo sa federalismo.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *