Sunday , May 4 2025

PNP hinimok kumalap pa ng ebidensiya

NANAWAGAN ang isang kongresista sa Philippine National Police na paigtingin ang pagha­hanap ng ebiden­siya sa pagpatay kay Tanauan Mayor Antonio Halili at huwag umasa sa mga testimonya ng mga nag­pa­kilalang saksi.

Ayon kay Rep. Ciriaco Calalang ng Kabayan partylist, dapat mag­karoon “solid physical” at  “forensic evidence” ang mga pulis laban sa mga suspek.

Ani Calalang, miyem­bro ng House Committee on Public Order & Safety, kailangan sigurado ang ebidensiya at panga­ngalaga bago magsampa ng kaso.

Dapat tama ang kasong isasampa upang hindi ito mapawalang-saysay sa pamamagitan ng “technicalities” at “sloppy police work.”

Sinabi rin ni Calalang na tigilan ng pulis ang pagbibigay ng “press briefings” na humaharap ang mga opisyal nito tungkol sa mga kasong wala naman silang direktang pagkakaalam.

Ani Calalang, mas mabuti pang iharap sa media ang mismong mga imbestigador.

Kaugnay nito, nana­wagan ang Human Rights Watch (HRW) na magka­roon ng tunay na imbes­tigasyon sa pagpatay kay Halili.

Hindi, umano sila sangayon sa mga gawain ni Halili kagaya ng pagparada sa kalye ng “drug suspects” pero hindi rin daw sila sang­ayon sa pagpatay sa kan­ya. Nanawagan si Carlos Conde ng HRW na wakasan na ang “culture of impunity” sa bansa na libo-libo na ang namatay sa tokhang, mga tribo, mga manunulat at mga politiko.

(Gerry Baldo)

About Gerry Baldo

Check Also

Comelec Vote Buying

2 kapitan umangal sa vote buying vs Cong sa Aklan

IBINULGAR ng dalawang barangay chairman na nagsampa ng disqualification case laban kay Aklan 2nd District …

Move it

TWG sa Move It: Itigil operasyon sa Cebu at CdO

PINATAWAN ng Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC Taxi TWG) ng parusa ang Move It …

Sulong Malabon

Sulong Malabon movement todo suporta sa kandidatura ni mayor Jaye Lacson-Noel at congressman Lenlen Oreta

TAHASANG nagpahayag ng suporta ang multi-sectoral movement na Sulong Malabon sa tambalan nina Congresswoman Jaye …

Comelec Money Pangasinan 6th District

Sa Distrito 6 ng Pangasinan
Rep. Marlyn Primicias-Agabas nagreklamo sa COMELEC at PNP vs malawakang vote buying

NAGHAIN ng dalawang magkahiwalay na liham si Representative Marlyn Primicias-Agabas ng Distrito 6 ng Pangasinan …

Sara Duterte

Kaya nag-endoso ng kandidatong senador
VP SARA ‘TAGILID’ SA IMPEACHMENT

NANINIWALA ang abogadong si Atty. Antonio Bucoy na nararamdaman ni Vice President Sara Duterte na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *