Sunday , December 22 2024

Teo kinuwestiyon ng COA sa P2.2-M kinuhang tinda sa Duty Free

INUSISA ng Com­mission on Audit (CoA) ang dating Kalihim ng turismo na si Wanda Teo kaugnay sa pagkuha niya ng mga paninda sa Duty Free Philippines na nagka­kahalaga ng US$43,­091.13 o P2,174,­150.

Kabilang umano sa mga kinuha ni Teo ay mga branded bags, cosmetics, mga de-lata at tsokolate. Hindi umano ito nasingil kay Teo batay sa 2017 CoA audit report para sa Duty Free Philippines Corporation (DFPC).

Inilinaw ng COA na ang mga paninda ay kinuha ni Teo sa pama­magitan ng memorandum na inilabas ng kanyang opisina at ng opisina ni  dating Undersecretary at for Administration and Special Concerns Rolando Cañizal.

Sinabi ng CoA report na ang dalawang opisyal ay nag-utos sa DFPC na maglabas ng  “gate pass slips” para mailabas ang mga paninda.

Sinabi rin ng COA na sa kabuuang P2.5 milyon, P346,000 halaga ng ”merchandise” ay hindi naka- record sa “Duty Free book of accounts.”

Ang DFPC ay isang ahensiya sa ilalim ng DOT.

Si Teo ay nag-resign pagkatapos paim­bestiga­han ng Ombuds­man kaugnay sa P60-milyong advertisements na ibina­yad ng DOT sa isang television program ng kapatid niyang si Ben Tulfo sa PTV4.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *