Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Costume ni Alden, isang oras bago maisuot

ALAM naman ng karamihan na super fan ako ni Iron Man, so ‘yung mga secret dream ko before was really to play a superhero role,” pahayag ni Alden Richards sa interview sa kanya ng GMA-7’s 24 Oras noong June 22.

Ito ang dahilan kaya napaka-espesyal para sa aktor ang kasalukuyang ginagawang series, ang Victor Magtanggol. First time nitong ginawa ang mga stunt dito at malaki ang naitulong ng kanyang parkour training bilang paghahanda sa mga ganitong eksena.

“Gusto ko kasi ito. Ganoon ako ka-in love sa project na ito. Sabi ko nga when I took this project, ibubuhos ko lahat kahit buwis-buhay ang ilang stunts. I see to it na majority of the scenes dito ako talaga ang gagawa, lahat ng stunts ako ang gagawa.”

Inamin ni Alden na hindi nahirapan ang gumawa ng costume ni Victor Magtanggol at hindi rin siya hirap habang suot ito dahil libre siyang kumilos kung anong gusto niyang gawin lalo na sa suntukan dahil magaan lamang iyon. Dumaan ito sa ilang pagbabago at very satisfied siya sa final design na talagang Pinoy-made.

Childhood dream ng aktor ang gumanap ng super hero kaya naman nakaranas siya ng sakit sa paglagay ng body cast. ”Isang oras kang babalutan ng material na parang tumitigas. Masakit, pero para talagang tailor-made ‘yung costume, kailangan ‘yun, eh.”

Dagdag pa, ”Everything is purong Pinoy. It’s all Filipino talent, Filipino effort, blood, sweat, tears, all in one project. So ito ‘yun.”

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …