Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dingdong, pinagaganda ang imahe ni Marian

APRUBADO sa karamihan ang ginawa ni Dingdong Dantes na pagandahin ang imahe ng kanyang asawang si Marian Rivera na may pagkamaldita raw.

Marami ang natuwa dahil tamang panahon ito lalo pa at may planong pumasok sa politika ang actor.

Alam ni Dingdong ang pag-uugali ng asawa dahil nababasa naman ito sa dyario.

Katunayan, may nakausap kami na natutuwa kung papasok sa politika si Dingdong dahil kinakikitaan niya ito ng pagiging magaling na public servant. ”Ang gusto ko kay Dong, mas gusto nitong magsimula sa mababang posisyon. Siguro, ayaw nitong matulad sa ibang politician na puno ng batikos dahil sa mga kapalpakang ginawa,” detalye ng aming kausap.

Samantala, malaking hamon sa aktor ang maidirehe ang asawa sa anniversary presentation ng Tadhana.

Sobrang gulat nito dahil taliwas sa maldita image ay isang propesyonal na aktres ang kanyang idinirehe.

“So ‘yung takot ko at pag-iwas na maidirehe siya ay naging magandang opportunity kasi I saw a different kind of an actress, a different kind of Marian. Kaya pala siya mahal na mahal ng kanyang naging mga direktor at pati na ng kanyang co-stars lalo ng kanyang producer ay dahil sa dedikasyon nito sa trabaho,” sambit ni Dong.

‘Yun na!

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …