Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sama ng loob ng Simbahan ‘di maaawat ng ‘committee’ ni Duterte

HINDI kayang awatin ng ‘committee’ ni Pa­ngulong Rodrigo “Di­gong” Duterte.

Sa tingin ng mga kongresista sa Kamara walang patutunguhan ang committee na binuo ni Digong para awatin ang sama ng loob ng simbahan dahil sa sinabi niyang  ‘stupid’ ang panginoon.

Ayon kay Rep. Teddy Baguilat ng Ifu­gao, ‘smokescreen’ lang daw ito para mailito ang publiko sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ang kapal­pakan ng operasyon laban sa tambay at ang patuloy na patayan.

“Sa tingin ko, wa­lang patutunguhan ang com­mittee kasi masya­dong fundamental ang pagka­kaiba ng panini­wala,” ani Baguilat.

“Ano ang pag-uu­sapan nila ng religious leaders? Adam and Eve and paradise?” tanong ni Baguilat.

Sangayon si Magdalo Rep. Gary Alejano sa pagtingin ni Baguilat.

Puwede umanong mag-apologize deretso si Pang Duterte sa publiko dahil sa kanyang irespon­sable at “balsphemous remarks.”

Natakot aniya si Duterte sa 90 porsiyento ng mga Filipino na nani­niwala sa Diyos.

Sa panig ng adminis­trasyon, sinabi ni Ako Bi­col Rep. Rodel Batocabe na ito ay isang “positive step” para maiwasan ang hindi pagkaka­una­waan ng gobyerno at ng simbahan.

Naniniwala si Bato­ca­be na ang mga gusot sa kasaysayan ng mun­do ay may kaugnayan sa relihiyon.

Sa mga militanteng kongresista, kasama si ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio, ma­linaw na damage control ito dahil lumalaganap ang outrage or galit ng publiko sa pambabastos sa Diyos na pinani­niwalaan ng maraming kababayan natin.

“Magdududa rin tayo sa sinseridad niyan dahil tuloy pa rin ang pagbira,” ani Tinio.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …