Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni Greta, nagpalitrato kasama si Claudine 

MALAPIT na sigurong magkabati, kundi man maging malapit uli sa isa’t isa, ang magkapatid na Gretchen Barretto at Claudine Barretto. Ang isang ebidensya ay: nagpalitrato si Claudine sa isang event na kasama ang anak ni Gretchen na si Dominique Cojuangco. Si Dominique mismo ang  nag-post sa kanyang Instagram [@dominique] kamakailan ng mga litrato nilang magtiyahin. (Si Dominique ay anak ni Gretchen sa live-in partner n’yang bilyonaryo na si Tonyboy Cojuangco.)

Maraming netizens ang natuwa dahil parang ‘yon ang kauna-unahang litrato ng magtiyahin. Mukhang kuha para sa isang local magazine ang larawan.

Simpleng “Mega” lang ang inilagay ni Dominique na caption sa mga larawan, at pinadalhan n’ya ng kopya si Claudine.

A similar set of pictures were shared by Claudine on her page, which she captioned with “My heart,” before tagging Dominique as well.

Mga limang taon nang ‘di magkasundo sina Claudine at Gretchen. Pero dahil sa mga litratong ‘yon,  may mga umaasang magiging malapit na ulit ang magkapatid, pati na sa iba pa nilang mga kapatid, halimbawa’y si Marge Barretto na ina ni Julia Barretto.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …