MAY bagong show sa PTV 4 si Erwin Tulfo titled Ronda Patrol Alas Pilipinas. Co-anchors niya rito sina Lad Augustin at Loy Oropesa. May riding-in-tandem group sa show, na aalamin ang mga problema sa mga lugar na pupuntahan nila at ire-report kina Erwin, Lad, at Loy para bigyan ng solusyon.
Ang show ay produced ng mag-asawang Matte at Queenie Oreta. Mapapanood ito tuwing Sabado, 10:00 to 11:00 a. m..
Sa presscon cum launching ng Ronda Patrol Alas Pilipinas, ipinaliwanag ni Erwin ang concept ng kanilang show.
“The concept of this program is news magazine and at the same time, public service. Public service, because ‘yung mga nakikita ng mga naka-motor na ‘yun, ‘yung mga nagmo-motor sa umaga, they can call in what they see. Problema man ‘yan sa kalsada, aksidente, problema sa baranggay nila, mga basura, mga hindi natatapos na proyekto ng gobyerno, they will report that, from the field, to us, para malaman ng taong bayan at maaksiyonan ng gobyerno o ng kinauukulan. No matter how big or small the problem is, itatawag po nila ‘yan. We will have the authorities act on that,” sabi ni Erwin.
Dagdag niya, ”At the same time, part of the program din po is featured stories, mga business. I-introduce po natin, pag-uusapan din po natin ‘yan, lalo na po ‘yung products and services owned by the owners.
“Ang Ronda Patrol Alas Pilipinas, live po siya sa Radyo Pilipinas, live rin po siya sa Facebook. Inter-active ho ito. Kung mayroon kayong feedback, you can message us, we will try to read your messages. Kung mayroon pong problema sa lugar ninyo, puwede ninyo hong sabihin ‘yan sa amin. At aming aaksiyonan.”
Magroronda rin ba siya sa buong Pilipinas, kasama ang kanyang riding-in-tandem?
“Well, there will come a time po. Pero at this time, we will be receiving reports and at the same time ‘yung riders po natin, ‘pag may incidents reports sila, they can send to us ‘yung mga nakuha nilang video para maipakita natin sa TV at mapapanood po sa Facebook live ‘yung mga kuha ng mga rider po natin,” sagot pa ni Erwin.
Just in case na magroronda kayo sa buong Pilipinas tapos may makasalubong kayong OFW na Filipina, is it possible na halikan ninyo rin siya gaya ng ginawa ni Pangulong Duterte na paghalik sa isang OFW pero wala namang malice?
Natatawang sagot ni Erwin, ”Wala naman hong masama. Actually, sanay na sanay po ako riyan kasi marami hong fans na gustong humalik, beso-beso. So, no problem po ako roon sa ganoon. Walang malisya ho.”
Kahit pa sa lips halikan, wala pa rin malisya?
“Maski sa lips. Ha, ha, ha!” natatawang sagot uli ni Erwin na tumanggap ng palakpakan at halakhakan mula sa mga dumalo sa presscon cum launching ng kanilang show.
MA at PA
ni Rommel Placente