Sunday , December 22 2024

Maestro ng kamatayan?

SA GITNA ng walang pakundangang pagpatay sa mga pari sa loob ng anim na buwang nagdaan ay patuloy pa rin ang panunuligsa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa simbahang Romano Katoliko na lalong nagpapatibay sa hinala na ang mga pagpatay sa mga kleriko ay hindi gawa-gawa lamang ng mga ordinaryong kriminal.

Tila isang maestro ng orkestra si Duterte na kumukumpas sa gitna ng mga alingawngaw ng bala na tumapos sa buhay nila Padre Richmond Nilo, Marcelito Paez, at Mark Ventura dahil imbes magpakita ng pakikiramay ay patuloy pa sa kanyang kadalasan ay walang basehang panunuligsa sa simbahan. May nakapagsabi tuloy na ang layunin ni Duterte sa gitna ng mga pagpatay sa mga pari o pangha-harasa na ginagawa laban sa kanila ay isang paraan upang mapatahimik ang institusyong simbahan dahil nagiging kritikal na ito sa kanyang administrasyon.

Pilit na ikinakawing ng mga awtoridad sa mga ordinaryong kriminal ang kamatayan ng mga pari nang sa gayon ay hindi natin makita na “bukod sa paglilingkod sa mga dukha, pinagkakaitan ng karapatan at inaapi sa lipunan na mamamayan,” ay walang nagawang kasalanan ng mga paring para sila ay patayin. Sila ay naglilingkod lamang sa mga taong pinagdadamutan ng pansin ng mga pinuno ng pamahalaan at mga matataas sa lipunan.

Sina Padre Nilo, Paez at Ventura at marami pang mga pari, at taong simbahan mula sa hanay ng mga Romano, Aglipay, Episcopal at Orthodox ang tunay na lingkod ng bayan.

Nakatitiyak ang Usaping Bayan na kung ano man ang kakulangan ng mga pari o nagawang kasalanan ay malayo at hindi sila kahalintulad ng mga tunay na halang ang bituka na ganon-ganon na lamang pumatay sa mga walang laban, manamantala sa mga maliliit, at magnakaw sa kaban ng bayan.

Sina Padre Nilo, Paez at Ventura ay hindi mga pul-politiko, ganid na negosyante, o di kaya’y mapangyurak na panginoong maylupa para kitlan ng buhay. Sila ay alagad ng simbahan na iniwan ni Hesus sa atin para pagyamanin o itangi.

Nakalulungkot na sa kabila ng pagiging pinakamalaking Kristiyanong bansa sa Asya ay patuloy na nawawalang halaga ang buhay at dangal dito sa atin. Iilan lamang kasi ang tunay na nagsabuhay ng pananampalatayang ang layunin ay palayain ang tao mula sa kasalanan ng kawalang katarungan sa mga ugnayan ng tao at pagmamahal sa kapwa’t kalikasan.

Harinawa ay tigilan na ni Duterte ang pagbalewala sa buhay at dangal ng tao. Maghari nawa ang kalooban ng Diyos dito sa lupa para ng sa langit.

***

Pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com para sa mga balita sa ating nagbabagang panahon. Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines. Salamat po. Pasyalan n’yo rin ang pahayagang Hataw sa hatawtabloid.com kung saan lumalabas din ang Usaping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes.

USAPING BAYAN
ni Nelson Forte Flores

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *