Friday , May 9 2025

Tanong ng Palace reporters ‘ibinasura’ ng PIA Region XII

MEDIA censorship.

Ito ang puna ng ilang mamamahayag na nakatalaga sa Palasyo matapos balewalain ni Danilo E. Doguiles, PIA Region XII officer-in-charge, ang ilang ipina­dalang tanong ng Palace reporters sa press briefing ni Presidential Spokes­man Harry Roque sa Cotabato City.

Si Doguiles ang tuma­yong moderator sa natu­rang press briefing.

Matapos basahin ni Roque ang kanyang ope-n­ing statement ay inatasan niya si Doguiles na alter­nate na basahin ang mga tanong mula sa local media at Manila reporters ngunit hindi sinunod ng PIA official.

Kahit may mga ta­nong mula sa Palace report­ers ang hindi pa na­babasa, sinabi ni Doguiles kay Roque na wa­la nang mga tanong.

“Q: Sir, last question na lang daw po. SEC. ROQUE: Marami pa ka­sing question sa Manila. Q: Wala na sir. SEC. ROQUE: A na ano na. Okay,” bahagi ng trans­cript ng nasabing press briefing.

Ikinatuwiran ni Do­gui­les kay Director Dennis Ting ng Office of the Presidential Spokes­person, paulit-ulit ang mga ipinadalang tanong ng Palace reporters kaya hindi niya binasa.

Kabilang sa hindi binasa ni Doguiles ang tanong mula sa HATAW D’yaryo ng Bayan, hinggil sa kontrobersiyal na anti-illegal immigrants policy ng administrasyon ni US President Donald  Trump na binatikos ni UN High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad  Al Hussein.

“Will PRRD support the UN Human Rights Commissioner’s call on the US to immediately end the practice of for­cible separation of children from their parents in US borders in pursuit of its anti-illegal immigrants policy?”

Batay sa ulat, umabot sa mahigit 2,000 bata ang puwersahang tinangay ng US authorities mula sa kanilang mga magulang na illegal immigrants sa border ng Amerika at ini­lagak sa mga mistu­lang kulungan ng mga hayop.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

ISANG grupo ng tricycle drivers mula sa Taguig ang nagsumite ng ulat sa Commission on …

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *