Wednesday , May 7 2025

Duterte patalsikin — Joma Sison

NANAWAGAN si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison sa lahat ng mga rebolusyonaryo, mga puwersang anti-Duterte at publiko na patatagin at palawakin ang hanay upang mapatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang pahayag ni Sison ay bilang tugon sa pagkansela ni Duterte sa nakatakdang peace talks sa 28 Hunyo na aniya’y lantarang indikasyon na hindi interesado sa ser­yosong negosasyong pang­kapayapaan.

Ani Sison, wala nang pagpipilian ang mga rebolusyonaryong puwer­sa at mga mamamayan kundi puspusang isulong ang digmang bayan u­pang makamit ang pambansa at panli­pu­nang pagpapalaya sa sambayanang Filipino.

“Because the GRP under Duterte is obvious­ly not  interested in se­rious peace negotiations, the revolutionary forces and the people have no choice but to single mindedly wage people’s war to achieve the nation­al and social liberation  of the Filipino people,” ani Sison sa isang kalatas sa media.

Malinaw aniya na ang pagsibol ng malawak na nagkakaisang prente ng lahat ng puwersang anti-Dutere ay upang isaka­tuparan ang pagpapa­talsik sa kasalukuyang rehimen bunsod ng mga kasalanang “treason, mass murder, drug smuggling, cor­rupt­ion, intolerable tax burden, inflating prices of basic goods and services, rising rate of un­employ­ment, depreciation of the peso, onerous loans and overpriced infrastructure projects” na nagpalala sa pagsasamnatala at pang-aapi sa ating bansa.

Ikinadesmaya ni Sison ang pagtalikod ng gobyerno sa mga nilag-d­aang kasunuduan hinggil sa pagdaraos muli ng formal peace talks sa 28 Hunyo sa Oslo, Norway.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

Pamilya ko Partylist

Malasakit at puso ng Pamilya Ko Partylist ibinahagi

BAGAMA’T bumuhos ang malakas na ulan sa isang  subdivision sa Woodbridge sa Pandi, Bulacan hindi …

Carlo Aguilar

Walang demolisyon sa Las Piñas  
CARLO AGUILAR, NANGAKO NG ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA INFORMAL SETTLERS

IPAGTATANGGOL ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas, ang karapatan ng tinatayang 10,000 …

Sarah Discaya

Kailangang Maranasan ng Pasigueño ang Totoong Serbisyong Pampubliko – Ate Sarah

Karapat-dapat ang mga Pasigueño sa tunay at konkretong serbisyong pampubliko, at hindi lamang sa tinatawag …

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

MULING inendoso ni Cong. Oscar “Oca” Malapitan ang 106 TRABAHO Partylist sa unang Distrito ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *