Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrea, walang makapipigil sa pagpapa-sexy

DESIDIDO talaga si Andrea Torres sa kanyang sexy image kaya handa siyang magpa-sexy sa mga role na ibibigay sa kanya ng GMA.

Isang bagay ang nalinaw sa isang blind item na isang Kapuso star ang lumipat sa Kapamilya dahil sa mga sexy role na ibinibigay. “Handa akong magpa-sexy kaya hindi ako ‘yun. Bakit naman aayaw eh, sexy image talaga ang ipino-project ko. At saka nakapirma na ako ng another contract sa Kapuso,” paglilinaw nito.

Inamin nitong gusto niyang pumapel ng superhero para magamit ang  kaalaman sa action routine. “Mahilig ako sa action, eh. Sobrang na- enjoy ko ang role ko sa ‘Robinhood’ na may action at gray role ang ginagampanan ko. Ipe-pray ko na lang kaysa sabihin ko sa GMA na gusto ang ganitong role,” wika nito.

Inamin nitong kinikilig siya kung may mga barakong nagkakagusto sa kanyang kaseksihan. Kaya lang, kung kailan siya nagkapangalan ay at saka dumalang ang mga barakong humahanga sa kanya.

“Nagkaroon naman ako ng mga boyfriends before, nagkaroon din ng  experiences pero ngayon, wala eh. May mga nagpapakilala naman pero mahirap silang i-maintain dahil conflict na sa schedules ko.”

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …