Saturday , November 23 2024

Ex-PM ng Denmark bumisita kay Mayor Tiangco

NAG-COURTESY CALL ang dating Prime Minister ng Denmark na si Helle Thorning-Schmidt kay Mayor John Rey Tiangco sa kanyang opisina sa Navotas City Hall.

Bilang Chief Executive Officer ng Save the Children, sinuri ni Thorning-Schmidt ang mga programa at aktibidad ng lungsod na may kinalaman sa nutrisyon.

Sa pamamagitan ng Navotas City Health Office, iniulat ni Tiangco na ang Navotas ay may Operation Timbang Plus, Community Deworming and School Monitoring, Supplemental Feeding Program, Micronutrient Supplementation Program, at iba pa.

Mula 2.06% noong 2016, ang malnutrition rate ng lungsod ay lumagpak sa 1.6% noong nakaraang taon.

Nang tanungin ni Thorning-Schmidt kung ano ang ins­pirasyon niya sa kanyang patuloy na suporta sa progra­mang pang-nutrisyon ng lungsod, sagot ni Tiangco, “Pamilya.”

“Tulad ng bawat Filipino, pinapahalagahan ko ang aking pa­milya. Gusto natin na sila ay ligtas, malayo sa sakit, at may magandang oportunidad sa buhay. Masisiguro lang natin ‘yan kung sila ay malusog at may wastong nu­t-risyon,” aniya.

(JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *