Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Oscar Albayalde Guillermo Eleazar
Oscar Albayalde Guillermo Eleazar

Bagong NCRPO chief itinalaga ni Albayalde

ITINALAGA bilang bagong NCRPO chief si C/Supt. Guillermo Eleazar kapalit ni dating director Carmilo Cascolan sa ikinasang ‘nationwide reshuffle’ ng PNP.

Ang balasahan ay base sa inilabas na memorandum ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde, na may petsang 31 Mayo, epektibo nitong 1 Hunyo.

Sa direktiba, si Cascolan na dating NCRPO chief ang bagong director ngayon ng Civil Security Group (CSG), habang si dating PRO Cordillera director, C/Supt. Edward Caranza ang bagong PRO4A-Calabarzon Region Director na pinalitan ni Gen. Rolando Nana bilang OIC PRO Cordillera PNP direcotor.

Habang itinalaga ni Albayalde si C/Supt. John Bulalacao bilang bagong regional director ng PRO6 kapalit ni C/Supt. Cesar Binag na itinalagang bagong hepe ng DICTM.

Mula sa Mindanao, itinalaga bilang bagong MPD director si C/Supt. Rolando Anduyan kapalit ni C/Supt. Joel Coronel na iinalaga bilang deputy regional director for administration ng NCRPO.

Sa nabanggit na memorandum na inilabas ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM), tatlong regional police directors ang apektado sa balasahan, ito umano ay PRO-4, 6 at 7.

Kasabay nito, siniguro ni NCRPO chief Eleazar na paiigtingin niya ang ‘cleansing’ sa PNP, war on drugs at paglaban sa iba’t-ibang uri ng krimen sa Metro Manila. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …