Saturday , November 16 2024
electricity meralco

DOE ‘no power’ sa P1.55/kwh rate hike ng Meralco (Kamay ‘nakagapos’)

‘PUNDIDO’ ang Depart­ment of Energy (DOE) para pigilan ang nakaam­bang pagtaas ng P1.55/kwh singil sa koryente kapag inaprobahan ang pitong power supply agreement (PSA) na pinasok ng Manila Electric Company (Meralco).

Inamin ni Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, tanging ang Energy Regulatory Com­mis­sion (ERC) ang pu­wedeng magpasya kung papayagan ang ano mang power rate hike at hindi ang DOE.

“Hindi — ang disenyo ng ating EPIRA ay hindi ini-impluwensiyahan si ERC. Iyon po ang disenyo ngayon. Merong mga panukala na ibahin iyong disenyo, pero sa ngayon at sa ibang mga juris­diction, the ERC is in­dependent, because that serves as the second eye. Pangalawang pagtingin dito sa mga detalyadong transaksiyon na ito. Iyan ang nagbabantay sa rate issues,” ani Fuentebella hinggil sa posibilidad na  impluwensiyahan ang ERC.

Nagbabala kamaka­ilan si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, bubulagain ng Meralco ng dagdag na singil na P1.55 /kwh ang kanilang milyon-milyong konsyumer dahil sa pina­sok na “sweetheart deals” sa kanilang sister com­panies, subsidiaries at affiliates nang walang bidding.

Si Zarate ang may akda ng House Resolution 566 na humihiling sa Kamara na imbestigahan ang inihaing pitong ku­wes­tiyonableng power supply agreements sa ERC.

Kaduda-duda aniya ang pitong “sweetheart deals” ng Meralco na magreresulta sa P5.22 per Kwh halaga ng koryente gayong may ibang non-Meralco affiliated power generation companies ang nag-aalok ng P2 hang­gang P5 lamang.

Ani Zarate, “deadly combination” ang power rate hike at paglobo ng presyo ng mga bilihin dahil sa Tax Reform Ac­celeration and Inclusion (TRAIN). Ayon kay Fuentebella, babantayan ng DOE ang PSA na pinasok ng Meral­co kung sumunod sa competitive selection process.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *