Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Pagkahibang’ ni Sharon kay Gong Yoo, effective para ‘di emotera

MAY bagong gimmick si Sharon Cuneta kaugnay ng “pagka­hibang” n’ya sa Korean idol na si Gong Yoo: nagpo-post siya sa Instagram n’ya ng pinag­sama n’yang litrato nila ng aktor.

May nakapagturo yata sa kanya kung paano pagsamahin sa isang lugar, o pagtabihin, ang dalawang tao na magkahiwalay at maaaring ni hindi magkakilala. Kaya, hayun, post siya nang post ng litrato nilang magkasama.

‘Yung unang ipinost n’ya ay may lovers’ quarrel daw sila kaya medyo magkatalikuran sila sa litrato. ‘Yung pangalawa naman ay magkatabi na sila dahil ‘di na siya nakatiis na pahirapan ang kaguwapuhan ni Gong Yoo. Parehong Eifel Tower sa Paris ang background  ng dalawang pics.

Nakatutuwa rin naman ang pagiging playful ng megastar. In fact, very admirable pa nga. Being playful means she’s feeling young despite having a daughter like KC Concepcion who will be 40 years old in a few years. To look young, one should feel young. That’s an effective but inexpensive way to stay young.

Suwerte rin naman ni Sharon na hindi insecure ang husband n’yang senador, kaya okey lang kay Sen. Kiko Pangilinan na ipamalita talaga ng misis n’ya na crush nito si Gong Yoo.

May mga tao nga na mas natutuwa kay Sharon ‘pag nagluluka-lokahan siya over Gong Yoo kaysa ‘pag nag-e-emote siya tungkol sa kung ano-ano lang naman. “Emotera Queen” na nga ang “lihim” na tawag sa kanya ng ilan. Eh kasi nga may panahon na araw-araw ay nag-e-emote siya.

Kamakailan, ang in-emote n’ya ay tungkol sa pagiging ‘di na gaanong malapit sa kanya ng panganay n’yang anak na si KC.

Well, after all, halos magpo-40 years old na si KC at matagal na rin ngang nagso -solo living sa sarili n’yang condo unit.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …