Monday , December 23 2024

Kahit nagbitiw si Puyat, Probe sa P647.11-M ‘gastos’ ng PCOO sa CMASC ASEAN 2017 tuloy — Trillanes

TULOY ang isinusulong na imbes­tigasyon ni Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV sa ‘nawawalang’ P647.11 milyong ginastos ng tanggapan ng Presidential Communications Opera­tions Office (PCOO) para sa informa­tion caravan noong ASEAN 2017.

Ayon kay Trillanes, tuloy ang imbestigasyon kahit nagbitiw sa kanyang tungkulin si PCOO Un­der­secretary Noel Puyat na nagsilbing chairman ng ASEAN 2017 Committee on Media Affairs and Strategic Com­muni­cations (CMASC) na sinabing gumastos ng P647.11 milyon para sa information caravan.

Nitong  nakaraang Miyerkoles, inihain ni Trillanes ang Senate Resolution 735 na humihi­ling sa Senado na mag­sagawa ng imbestigasyon “in aid of legislation” hinggil sa disbursement ng PCOO funds sa in­formation caravan no­ong kasagsagan ng ASEAN noong 2017.

Mariing ipinaalala ni Trillanes, “There is an immediate need to look into the alleged ir­regula­rities in the disposition of PCOO’s budget and its irregular expenditures for the aforementioned in­form­ation caravan in order to ensure that government funds are legally and properly allocated, directed and spent toward the sole purpose for which the funds were allocated.”

Bago ito, naghain si Trillanes nitong Martes ng kagayang resolusyon matapos mabasa sa pahayagang ito, Hataw D’yaryo ng Bayan ang isyu ng ‘nawawalang’ P647.11 na magsagawa ng Senate probe sa inilunsad na information drive ng PCOO noong 2017 ASEAN Summit.

Nitong nakaraang Biyernes, pormal na inihayag nina PCCO Secretary Martin Anda­nar at Puyat ang resignasyon ng huli.

Kinompirma ni Puyat na ang P1.4 bilyong alokasyon sa ASEAN CMASC ay labis nang 43 porsiyento. Bahagi uma­no nito ang P647.11 milyon sa nabanggit na alokasyon.

Sinabi ni Puyat sa news reporters nitong Biyernes, ang PCOO ay nagsauli ng sobrang budget na P600 milyon sa Bureau of Treasury sa ‘staggered basis’ mula Enero hanggang Disyembre 2017.

“I am just getting the final figures from all the chiefs of accounting of our PCOO and bureaus, but I’ve been informed that we’ve returned almost P600 million or a little over that pa raw,” pahayag ni Puyat.

Inamin ni Puyat, ang P800 milyon ay ginastos para sa International Media Center sa Conrad Hotel para sa 30th & 31st Asean summits.

“These also include all expenses of ASEAN related to PIA, PTV, Radyo Pilipinas, Bureau of Communication Services, and NIB. So this is not just spent by PCOO and our attached agencies,” dagdag ni Puyat.

Ibinunyag ito ni Puyat sa kanyang pagbi­bitiw sa kabila ng mga kuwestiyon sa ‘nawawa­lang’ P647.11-milyong budget na hinahanap ng Commission on Audit (COA).

Patuloy na itinatanggi ni Puyat na walang kinalaman ang isyu ng P647.11 milyon sa kanyang pagbibitiw.

Gayonman, binigyang diin ni Trillanes, ihahain niya sa Senado ang reso­lusyon bilang urgent at upang malaman kung anong komite ang haha­wak sa imbestigasyon.

Paliwanag ni Trillanes, hindi siya titigil hanggang lumabas ang katotohanan sa likod ng ‘nawawalang’ P647.11 milyon.

Si Puyat ang ikala­wang opisyal ng PCOO na nagbitiw sa loob ng naka­lipas na tatlong linggo, nauna si assistant secre­tary for administration si Kissinger Reyes.

Nauna rito, nagbanta si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte laban sa mga tiwaling opisyal na nakapasok sa kanyang administrasyon na magbitiw o sisibakin.

“Kaya ‘yang cor­ruption, ‘pag gano’n alis ka (If you’re involved in corruption, just leave). Well, I’ll give you time,” sabi ng Pangulo sa harap ng school principals sa Davao City.

nina Cynthia Martin at Rose Novenario

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *