Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica, 4ever friendship ang regalo kay Juday

BINIGYAN ng surprise birthday party ni Ryan Agoncillo ang misis niyang si Judy Ann Santos noong bisperas ng kaarawan nito, May 10, na ginanap sa isang restaurant sa Global City. Isa si Angelica Panganiban sa dumalo sa surprise birtday party dahil isa siya sa mga malalapit na kaibigan ni Juday.
Ang ilan sa mga bisita ay pinagsalita para magbigay ng kani-kanilang birthday message kay Juday. Noong turn na ni Angelica, nagbalik-tanaw siya. Sinabi niya na may atraso siya rati sa kanyang Ate Juday.
Sabi Angelica, “May atraso ako rito kay ate, kasi nagmayabang ako, lumaki ‘yung ulo ko. Kung ano-ano ‘yung gusto kong patunayan sa buhay pero ‘yung ate, hindi siya nawalan ng pag-asa sa akin, kasi kahit ‘yung isang tao na lang ang nagku-connect sa amin, kinausap niya, and ‘yun ay si Ga. Siya ‘yung nagsabi sa akin na, “Puntahan mo ‘yung ate mo rito (sa isang lugar) kung talagang matapang ka.”
“And then sabi ko, ‘Sige.’ Roon kami nagkabati. Roon niya ako pinatawad. And simula noon. hindi ko na pinakawalan ‘yun at hanggang ngayon, para bang parte na ng buhay ko, na patatawanin ko siya, ‘yung pasasayahin ko siya. ‘Yun ‘yung gusto ko. And ‘pag nalaman ko na sad si Ate, siyempre punta ako, ganoon.
“Ngayon na-appreciate ko kung ano ‘yung gusto niyang ipakita, kasi ‘yun pala ‘yung kaya niyang ibigay, kasi ganoon pala siya magmahal. ‘Yun pala ang kaya niyang i-offer.
“So ngayon, ibinabalik ko lang sa kanya kung ano ‘yung kaya kong i-offer sa kanya. And ‘yung habambuhay na pagkakaibigan.
“I love you ate. At sana ito na ‘yung simula na ‘pag birthday mo, invited ako.”

Gary, nakauwi na ng bahay
NAKALABAS na ng hospital si Gary Valenciano noong Linggo, May 14, eksaktong ipinagdiriwang ang Mother’s Day, pagkatapos ng kanyang successful open heart surgery last May 6.
Magandang regalo ‘yun para sa misis ni Gary na si Angeli Pangilinan, na na-discharge na sa ospital ang tinaguriang Mr. Pure Energy.
At least, sa bahay na sila nagdiwang ng Mother’s Day at hindi sa ospital.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …