Monday , December 23 2024

Barangay, SK polls inisnab ni Digong (Unang eleksiyon sa kanyang administrasyon)

HINDI lumahok si Pangulong Rodrigo Duterte sa kauna-unahang halalan sa ilalim ng kanyang administrasyon kahapon.

Tikom ang bibig ng Palasyo kung ano ang dahilan nang hindi pagboto ni Pangulong Duterte sa barangay at SK elections sa Davao City.

Ilang minuto maka­lipas ang 3:00 ng hapon, kinompirma ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, hindi na boboto si Pangulong Duterte.

“No reason,” matipid na tugon ni Go sa text message sa pag-usisa ng media sa dahilan ng no-show ni Duterte sa Cluster 889, precinct -1245-A sa Daniel Aguinaldo National High School sa Davao City.

Wala rin pahayag si Presidential Spokesman Harry Roque kaugnay sa isyu.

Dalawang beses inili­ban ang barangay at SK elections sa ilalim ng administrasyong Duterte, una noong Oktubre 2016 at pangalawa noong Oktubre 2017.

Mula nang maluklok sa Palasyo, ilang beses sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya kursunadang matuloy ang barangay elections dahil tiyak na popon­dohan ng drug money ang mga kandidatong supor­tado ng sindikato ngunit ipinaubaya niya ang pagpapasya sa Kongreso.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *