Tuesday , April 15 2025
OFW kuwait

4 Pinoy drivers sa Kuwait pinalaya na

INIURONG na ng gob­yerno ng Kuwait ang kasong kidnapping laban sa apat na Filipino drivers na una nang inaresto at ikinulong dahil sa pagsama sa rescue operation sa distressed overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon kay Pre­siden­tial Spokesman Harry Roque, sa ngayon ay nakauwi na ang apat driver sa kani-kanilang bahay sa Kuwait.

Gayonman, sinabi ni Roque na hindi uuwi ng Filipinas ang apat na driver dahil sa Kuwait na sila naninirahan.

“Yung mga driver napakawalan na, pero hindi po sila uuwi ng Filipinas kasi dito talaga sila nakatira sa Kuwait at wala na silang mga kaso,” ani Roque sa phone patch interview sa Palace reporters kaha­pon.

Aniya, gaganapin ang pirmahan ng memo­randum of agreement ngayon sa Kuwait at makakasama bilang mga kinatawan ng Filipinas sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Special Envoy to Kuwait Abdullah Mamao.

(ROSE NOVENARIO)

 

 

About Rose Novenario

Check Also

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Lauren Mercado Pickleball Power Tour

Mercado Pickleball Power Tour

IPINAKITA ni Lauren Mercado, 17 anyos, Filipino-American Las Vegas based talent Pickleball pro champion sa …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *