Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, greatest achievements sina Josh at Bimb

KAHAPON, nagsimulang magsyuting si Kris Aquino sa balik-Star Cinema project n’yang I Love You, Haterna makakasama n’ya ang mag-sweetheart na sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Umaga pa lang ng Martes (April 24),  nag-post na siya sa Instagram n’ya tungkol sa first day shooting n’ya at tungkol sa kahalagahan sa kanyang mga anak na sina Josh at Bimby. Video nilang mag-iina na nagba-bonding ang ipinaskil n’ya, actually.

Ang dalawang anak n’ya ang “greatest achievements” n’ya.

Dramatikong pahayag n’ya: ”I made this video to remind me that these 2 boys are my greatest achievements. Baka makalimutan ko habang nag shu-shooting kung sino si Kris at sino si Shasha (character n’ya sa pelikula),  marami kasi silang pagkakahawig…”

Sinundan ‘yon ng pagdidetalye ng istorya ng I Love You, Hater.

Bilang Shasha, isa siyang dating broadcast journalist na nagtayo ng sariling digital media company na sa paglaon ay naging napakamatagumpay: naging empire na sa industriya ang kompanya.

Sina Joko (Joshua) at Zoey (Julia) ay mga pangunahing empleado n’ya na nagpapaligsahan sa isa’t isa para maging opisyal na executive assistant ni Shasha.

“Umuuwi sya sa isang mansyon pero kahit akala ng lahat napakasaya ng buhay nya, hindi siya buo dahil wala siyang naging anak at hindi siya nagkaroon ng ‘closure’ sa dating asawa. Si Joko at si Zoey magiging malaking mga instrumento para buuin ang nabasag na puso ni Sasha,” paglalahad ni Kris.

Sa pagtatrabaho nilang tatlo, marami silang madidiskubre tungkol sa isa’t isa at tungkol sa kanilang mga sarili.

Ang pelikula ay ididirehe Giselle Andres at ipalalabas na sa June 13.

Ayan, abala na si Kris sa pag-e-emote sa harap ng kamera. Mawawalan na siguro siya ng lakas at oras para mag-emote in real life at talakan ang mga nakakasakit ng damdamin n’ya, damdamin, at reputasyon ng mga anak n’ya at kapatid.

But then, kasabihan nga: ”We can never tell!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …