Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lea Salonga
Lea Salonga

Lea Salonga, nagtataray o nagmamalasakit?

ENUNCIATE!”  ‘Yan ang payo ng Pinoy Broadway star na si Lea Salonga sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa mga call center. Isang payo na nag-viral na sa netizens: pinupuna, sinasang-ayunan, pinagtatalunan.

“Bumigkas ng malinaw” ang ibig sabihin ng “enunciate.” Huwag magsalita ng pa-wurs- wurs. Huwag nguyain ang mga pantig (syllables) na bumubuo ng bawat salita.

Nagtataray ba si, Lea o nagmamalasakit?

Nagmamalasakit siya, sa tingin namin.

Alam n’ya sigurong ang bansang nasa labas ng USA ang pinakamaraming call centers ay ang Pilipinas. Deretsahan na nga n’yang sinabi sa isang Twitter n’ya na sa tantya n’ya sa tunog ng pagsasalita ng call center agent na nag-voice mail sa kanya na wala siyang naintindihan sa sinabi na, ”a Pinoy trying hard to sound like an American.”

Malamang na may ibinibentang produkto o serbisyo ‘yung nag-voice mail. Matagal nang puwedeng mag-voice mail sa cellphone o mobile phone. At gusto nga siguro ni Lea na mag-reply duoon sa nag-voicemail, pero maaaring ‘di na n’ya ginawa ‘yon dahil wala nga siyang naintindihan sa nag-voicemail.

Posibleng alam na ngayon ng call center company na ‘yon kung sino ang ahente nilang tumawag kay Lea dahil sa ipinost n’yang “blind” (walang pangalan) complaint na ‘yon.

‘Pag may tatlo o apat ng nagreklamo laban sa ahente na ‘yon, malamang ay tanggalin na ‘yon sa trabaho—kaya nga siya parang wina-warningan na ni Lea.

Kung matutong mag-enunciate ng Ingles ng tama ang mga Pinoy na naghahanap ng trabaho, tapos man sila ng college o hindi, makahahanap sila ng puwesto sa call centers.

Halos walang tigil ang call center companies sa bansa sa pagri-recruit ng empleado.

Hindi naman malalalim at komplikado ang kailangang Ingles sa call centers. Sa typical call centers, may script (o guide) pa nga sa pakikipag-usap sa mga tumatawag.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …