Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PANGIL ni Tracy Cabrera

Dereliction of duty, sabi ni Dick

To see a promising solution to a dilemma and then just leave it to questionable deve-lopment at its own pace without trying to aid its implementation would seem a dereliction.

— Roger Wolcott Sperry

 

PASAKALYE:

Siyam na libong kapitan ng barangay ang kasama sa ‘narco-list’ ni Pangulong Rodrigo Duterte, pahayag ni interior and local government undersecretary for barangay affairs Martin Diño.

Nakababahala ang rebelasyong ito ng kalihim dahil dalawang buwan na lang bago ang halalan para sa mga opisyal na 42,000 barangay sa buong kapuluan at gayon din sa Sangguniang Kabataan.

Kasunod ito ng pahayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director Aaron Aquino na aabot sa 300 barangay official ang nauugnay sa kalakalan ng ilegal na droga.

Nagbabala si Diño sa mga opisyal ng barangay na mabibigong magsumite ng kani-kanilang barangay drug watch-list sa pagsapit ng Marso 21 para ipagdiinang mandatory ito kaya dapat sundin.

Kinakailangan din magsumite ang lahat ng mga opisyal ng barangay ng imbentaryo ng kanilang barangay supplies at kagamitan para ma-monitor ng DILG ang paggamit ng kani-kanilang pondo bilang polisiya sa paglaban sa korupsiyon at katiwalian.

Ang totoo po, ang mga punong barangay ang dapat unang nakaaalam sa mga masamang gawain sa kani-kanilang barangay!

‘Yon na!

***

IREREKOMENDA umano ni Senate Blue Ribbon committee chair Ricahrd Gordon na sampahan ng kasong criminal sina dating Pangulong Noynoy Aquino at maging ang ilang dating miyembro ng Gabinete ni P-Noy kaugnay ng kontrobersiyal na eskandalo ng Dengvaxia vaccine.

Ani Gordon: “Definitely criminal proceedings should be filed against all these people who are involved here.”

Binanggit ng senador na dapat din sampahan ng kaso sina dating Health secretary Janette Garin at dating Budget secretary Butch Abad.

Punto ng dating tagapamahala ng Subic: “Lahat sila. Anybody that has anything to do with the speed, the undue haste, the wastage of fund money and above all, the severe pain that has been inflicted by deaths and the painful stress and experience now being faced by our people.”

At hindi lang ang dalawang kalihim, dagdag ni Gordon, dahil maaari rin sampahan ng kaso si dating Health secretary Paulyn Ubial, na nagpalawig ng programa ng dengue immunization ng Department of Healt (DoH).

Katuwiran ni Gordon: “At the very least, may dereliction of duty, may negligence, so gross as to amount to bad faith at talagang violation of the procurement law.”

 

REAKSIYON:

Kung kami po ang tatanungin, dapat lang na panagutan ng anak ng ‘housewife’ na si Corazon Aquino at pati ang mga nakipag-sabwatan sa kanyang ‘palusutin’ ang programang pagbabakuna ng Dengvaxia sa mahi-git 800,000 kabataan.

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o dili kaya’y mag-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …