Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

‘Ulo’ ni Bello ibigay sa mga obrero

KUNG hindi maibibigay ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang pangakong wawakasan ang lahat ng anyo ng contractualization, ma­kabubuti sigurong sibakin na lamang niya si Labor Secretary Silvestre Bello III.

Kung ganito ang gagawin ni Digong, mababawasan ang galit ng mga manggagawa, lalo pa’t kung sa darating na 15 Marso ay hindi magugustuhan ng mga obrero ang pipirmahan ng pa­ngulong draft Executive Order  na tunay na nagpapahinto sa contractualization.

Nitong Pebrero 23, nagsimula na ang su­nod-sunod na kilos-protesta ng iba’t ibang labor groups sa tanggapan ng DOLE sa Intramuros at sa mga regional offices nito.  Mayroon din silang isang milyong lagda na isusumite kay Digong na humihiling na tuluyan na niyang lagdaan ang draft EO na kanilang inihain.

Pero kamakailan lang, nagsalita na si Digong na nahihirapan siyang balansehin ang kahili-ngan ng mga manggagawa at negosyante pagdating sa usapin ng contractualization o “endo.” Inamin na rin mismo ni Digong na isang compromise agreement ang dapat na marating sa kanyang gagawing desisyon hinggil sa nasabing isyu.

Kaya nga, tiyak na giyera-patani ang mangyayari sa pagharap ni Digong sa mga manggagawa sa 15 Marso para ihayag ang EO na inaasahang lalagdaan ng pangulo.  Kung hindi magugustuhan ng mga manggagawa ang ipakikitang EO ni Digong tiyak na sunod-sunod na rally, demonstrasyon at piket protesta ang mangyayari sa Metro Manila.

At bago pa man mangyari ang pagharap ni Digong sa mga manggagawa, isang malaking kilos-protesta ang nakatakdang gawin ng organized labor groups sa darating na 13 Marso sa Mendiola.

Nakalulungkot dahil hindi dapat nasentro kay Digong ang problema ng contractualization kung hindi naging tuso itong Bello. Sa halip kasing maging shock absorber ng pangulo si Bello, tuluyan na niyang ipinasa kay Digong ang problema sa contractualization. Iwas-pusoy, ‘ika nga!

Maaari naman kasing i- “press the ball” ni Bello ang isyu ng contractualization pero hindi niya ito ginawa, kaagad niyang ipinasa ang bola kay Digong na ngayon ay nahaharap sa mala­king problema dahil dito.

At kung hindi magugustuhan ng mga manggagawa ang ihahayag na EO ni Digong, mabu­ting isabay na niya ang  kanyang announcement na pinagbibitiw na niya si Bello bilang Labor secretary.

Marami na ang kapalpakan nitong si Bello sa administrasyon ni Digong, at napapanahon na ring sibakin siya ng pangulo.  At kung tuluyan ngang tatakbo bilang senador sa darating na 2019 midterm elections, asahan na ring matatalo siya at sa kangkungan dadamputin.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *