Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nathalie Hart Xian Lim Sin Island Sinilaban Island

Xian, nanginginig kay Nathalie

TALAGA namang kukulo ang dugo ng mga kasintahan, asawa, at ka-relasyon ni Adan sa pagkaharot ng karakter ni Nathalie Hart as Tasha sa Sin Island sa Valentine’s Day offering ng Star Cinema Productions.

Sa isang chance encounter, nagulo niya ng todo ang mundo ng mag-asawang Kanika at David portrayed by Coleen Garcia and Xian Lim.

At ang karakter niyang ito ang pinalakpakan at tinilian sa mga sinehan.

Dahil pagpapa-sexy ang nakilala kay Nathalie, maaalalang nang gawin niya ang Siphayo sa BG Productions International, umiyak ito at nagkulong pa sa kuwarto nang kinailangan niyang maghubad sa ilang eksena. Nag-uwi ng award mula sa New York si Nathalie para sa nasabing pelikula.

At sa Sin Island, todong hubad na si Nathalie in her scenes. Malamang eh, natuwa rin si direk Gino Santos sa kanya kaya napaglaruan ang kanyang karakter.

At mukhang si Xian pa ang na-intimidate sa kanya dahil ramdam niya ang panginginig nito tuwing magkaka-eksena sila.

Sa isang preview ng pelikula, standing ovation pa ang tinanggap nito. At balitang tumatabo ito sa takilya ngayon.

Magpa-gulat sa bawat eksena. At sisilaban ng mga eksena nila ang inyong mga damdamin.

HARDTALK
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …