Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
The National Food Authority (NFA) rice warehouse photohographed in Quezon City, the Philippines, on Wedensday,march 9, 2011. Photographer: Edwin Tuyay/Bloomberg News

Presyo ng palay bagsak ngayong anihan (Magsasaka nangamba)

UMALMA ang mga magsasaka sa parating na bigas na inangkat ng National Food Authority (NFA) dahil sasabay ito sa panahon ng anihan.

Nakatakdang dumating sa susunod na buwan ang 250,000 metriko toneladang bigas na inangkat ng NFA, habang higit 3.5 milyong metriko tone­ladang palay ang inaasahang aanihin ng mga magsasaka.

Dahil dito, pinangangambahan ng local farmers na babagsak ang presyo ng kanilang palay.

Ayon sa grupo ng mga magsasaka, gusto sana nilang magbenta ng palay sa NFA ngunit mababa ang bili ng ahensiya, sa P17 o P18 pesos kada kilo lamang.

Naibebenta nila ito sa mga pribadong trader hanggang P22 pesos kada kilo. Mataas kasi ang puhunan nila sa pagtatanim.

“Ang laki-laki naman ng gastos sa production. Halos wala kaming kinikita at napupunta lahat sa gastos sa pagta­ta­nim…kulang kami sa mga gamit,” ayon kay Zenaida Soriano ng grupong National Federation of Peasant Women (Amihan).

Sa datos ng Department of Agriculture (DA), nasa higit apat  metriko toneladang palay lang ang naaani sa bawat ektaryang lupa ng local farmers.

Target ng DA na itaas ito sa anim metriko tone­lada sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pagsasanay sa bagong tek­nolohiya at access sa credit o pautang sa magsasaka.

Samantala, naghayag ng pagtutol ang isang consumer group sa pag-angkat ng bigas at pagpataw ng buwis dito.

“Ang impact nito sa mga magsasaka ay mabigat. Mula no’ng nag-i-import tayo hindi na talaga bumaba ang presyo ng bigas… The consumers will bear the expense,” ani Cathy Estabillo ng grupong Bantay Bigas.

Nauna nang sinabi ng NFA na kailangan nilang mag-angkat ng bigas dahil ramdam ang kakulangan nito at nagkakaubusan na sa maraming lugar.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …