Tuesday , November 26 2024

Wilson ng Phoenix, tinanghal na PoW

KALABAW lang ang tumatanda.

Iyan ang pinatunayan ng beteranong si Willie Wilson matapos ngang sungkitin ang Player of the Week na parangal ng Philippine Basketball Association Press Corps mula 22 hanggang 28 ng Enero.

Pinangunahan ng 37-anyos na beterano ang 87-82 pagsilat ng palabang Phoenix Fuel Masters kontra Barangay Ginebra para iangat ang kanilang kartada sa 3-3 papasok sa kalagitnaan ng Philippine Cup.

Perpekto ang ibinuslo ni Wilson sa larong iyon sa 7-of-7 shooting tungo sa 19 puntos kung saan ang 14 puntos ay nagmula sa pambihirang kampanya ng Phoenix para maitayo ang 49-29 abante na hindi na nila binitiwan hanggang sa dulo.

Nagsahog rin siya ng 5 rebounds, 2 assists at 2 steals sa 25 minutong aksyon lamang kontra sa dating koponan na Barangay Ginebra.

Ginapi ni Wilson, dating 15th overall pick ng Alaska noong 2004 PBA Draft ang kasanggang si Jeff Chan, Maverick Ahanmisi ng Rain or Shine, Vic Manuel at Chris Banchero ng Alaska, Mark Barroca ng Magnolia, June Mar Fajardo ng San Miguel, LA Tenorio at Raymond Aguilar ng Ginebra gayundin sina Kelly Nabong at Jonathan Grey ng Globalport para sa linggohang parangal na iginagawad ng PBA Press Corps.

ni JOHN BRYAN ULANDAY

About John Bryan Ulanday

Check Also

Womens Magilas Pilipinas Basketball Association (WMPBA) - Liga ng Pilipina, ilalarga sa Sabado

Women’s Magilas Pilipinas Basketball Association (WMPBA) – Liga ng Pilipina, ilalarga sa Sabado

PALAKASIN ang women’s basketball development program ang target ng Magilas Pilipinas Basketball Association (MPBA) Women’s …

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *