Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P3-M pekeng OTC meds kompiskado

KINOMPISKA ng mga tauhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang kahon-kahong pekeng over- the-counter (OTC) medicines sa isinawagang follow-up operation sa isang bahay na ginawang bodega sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa.

Ayon kay FDA Director General Nela Charade Puno R.Ph., mahigpit ang kanyang tagubilin sa kanyang mga tauhan sa pangunguna ni FDA Regulations Enforcement Unit (REU) Officer-In-Charge ret. General Allen Bantolo, na maging mahigpit sa pagbabantay at pag-huli sa mga produktong gaya ng mga gamot na hindi rehistrado lalo ang mga peke o counterfeit medicines dahil hindi ito dumaan sa masusing pagsusuri at may masamang epekto sa kalusugan ng mga consumer.

Dahil dito, sunod-sunod ang isinagawang operasyon ng mga tauhan ng FDA-REU sa pamumuno ni Bantolo, nagresulta sa pagka-kakompiska sa tinatayang P3 milyong halaga ng mga pekeng Ibuprofen, Medicol, Ponstan, Diatabs at iba pang vitamin supplements, sa isang bahay sa Unit 206 Sampaloc, Maynila.

Ang pagsalakay ay bunsod nang pagkakahuli sa isang suspek na si Roberto Magalon, tricycle driver, at residente sa Balic-balic, Sampaloc, Maynila.

Lulan si Magalon ng isang itim na Toyota Fortuner, na nagsilbing drug courier ng sindikato ng mga pekeng OTC meds, nang arestohin  sa  ikinasang  entrapment operation sa Hermosa St., Tondo, Maynila.  (BRIAN GEM BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …