Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Below the belt para idamay ang anak kong inosente — Mariel sa mga basher ni Robin

NAG-REACT na rin  pati ang misis ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez sa kontrobersiyang kinasadlakan ng mister n’ya bilang isa sa apat na judges ng talent search na Pilipinas Got Talent sa Kapamilya Network.

Ayon kay Mariel sa kanyang Instagram (@marieltpadilla), may basher ang mister n’ya na nilalait at nagwi-wish ng ‘di maganda para sa anak nila na one-year old pa lang.

Ang pamba-bash kay Robin ay may kinalaman pa rin sa simpleng pagpapayo n’ya sa isang South Korean contestant na mag-Tagalog. Hindi nagustuhan ni Robin na sampung taon na pala sa Pilipinas ‘yung contestant—at may girlfriend pa na Pinay—pero ‘di pa rin natutong mag-Tagalog. Inakusahan siya ng maraming netizens na bastos at racist—kahit na ibinoto naman n’ya sa paglaon na makapasok sa contest ang banyagang nag-audition.

In a lengthy Instagram post, Mariel said she is fine with people who expressed dissenting opinions about Padilla’s behavior on the talent show. Pero ayaw n’yang ‘di punahin ang panlalait at pagwi-wish ng masama sa anak nila.

Giit n’ya: ”Okay lang na maglabas kayo ng mga opinion niyo, no problem kasi opinion niyo ‘yan. Pero para idamay ang anak ko na walang kasalanan sa mundong ito! Below the belt. No mother should ever receive ill wishes for her child no matter what the circumstances are.” 

Iginiit din n’ya na si Robin, “did not have any intention to cause anyone pain but you guys sending hate our way even including my son.”

Siyempre pa, ipinagtanggol ni misis ang mister n’ya.  Paliwanag ni Mariel: ”Si Robin magpapakamatay ‘yan para sa Pilipinas. Si Robin ibibigay niya buhay niya para sa mga katutubo, sa mga kapatid, sa mga Filipino. Ganoon si Robin.” 

Dagdag n’ya; “It is very hard to understand his passion when it comes to his love for the country… pero pagkatapos ng pag-ibig niya sa Allah, susunod ang pag-ibig para sa bayan, more than family, more than self, more than anything (except God) pinakamahal ni Robin ang Pilipinas.”

Iginiit din ni Mariel na hindi naging unfair si Robin sa contestant na ‘yon. Paliwanag n’ya: ”He humbled himself and said ‘pasensiya ka na.’ Even added ‘isipin mo na lang na tatay mo ako sa Pilipinas at napagsabihan ka ng tatay mo.’ So ano ba ang ikinakagalit niyong lahat? Idinamay niyo pa ‘yung anak kong inosente.” 

Despite everything, Rodriguez said Robin has her full support.

While you guys are bashing away Robin is busy rebuilding Marawi. People with REAL PROBLEMS! And no your bad comments are not welcome on my page. To my husband… we stand by you 100%,” she revealed.

ni DANNY VIBAS

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …