Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Guy at Charo, iminungkahing pagsamahin sa Sixty in the City

MAY nag-react agad sa teaser posting namin sa Facebook (FB) ng tungkol sa posibleng pagbibida ni Charo Santos sa isang pelikula ng BG Productions International ni Ms. Baby Go.

Ang pagsasapelikula ng nobelang Sixty in the City na akda ng premyadong writer na si Lualhati Baustista ang project na ‘yon. Si Charo mismo ang nag-suggest kay Mel Chionglo na baka gustong i-produce ng kompanya ni Ms. Go ang naturang nobela (at si Mel ang magdidirehe ng pelikula).

Ilang oras lang pagka-post ng teaser na ‘yon, may mga nag-react na, kabilang na ang bantog na novelist na si Ms. Bautista. Aniya, sa tatlong bidang babae sa nobela n’ya, ang isa ay bagay nga kay Charo at ‘yung isa naman ay bagay kay Nora Aunor. 

Magka-singtimbang din ang kahalagahan ng dalawang tauhan na ‘yon sa nobela.

Actually, reply ‘yon ni Lualhati sa isang “Mell” na parang nagtanong yata sa kanya kung isa sa tatlong lead characters ay bagay kay Ate Guy.

Hindi lumabas sa FB Timeline namin ‘yung posting niyong “Mell” kaya ‘di namin masiguro kung sino ‘yon. Ang lumabas sa aming Timeline ay reaction ng isang Arturo De los Santos na kinu-quote ang pahayag ni Lualhati.

Lumabas sa Timeline namin ang reply ni Lualhati dahil ‘di lang FB friends kami kundi dahil na rin naka-tag sa kanya ang teaser posting na ‘yon.

Walang reaction si Lualhati tungkol sa kung may negotiations na with her tungkol sa film rights (karapatang magsapelikula) ng nobela n’ya, at kung siya pa rin ang susulat ng screenplay na gaya ng nakaugalian na kung nobela n’ya ang isinasapelikula.

May bulong-bulungan sa film industry na mataas ang presyo ng film rights ng mga nobela ni Lualhati. Mataas din ang singil n’ya sa pagsulat ng script na kailangang buo na ang bayad sa kanya pagdeliver ng script.

Kung mataas ang film rights ng nobela ni Lualhati, gaano kataas kaya ang talent fee ni Charo na premyadong aktres, host ng top-rating Maala-ala Mo Kaya, at isa sa top executives ng napaka-profitable network na ABS-CBN?

Kayanin din kaya ng budget ng BG Productions ang talent fee ng superstar na si Aunor?

Gaano kalaki kaya ang magiging budget ng pelikulang Sixty in the City? Matuloy kaya ito?

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …