Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aljur, hahatakin ni Robin sa simbahan (kung ire-request ni Kylie)

INURIRAT si Robin Padilla sa presscon ng bagong serye ng ABS-CBN 2 na Sana Dalawa Ang Puso Ko ang sitwasyon nila ni Aljur Abrenica. Although, natutuwa siya na kasama si Aljur sa Asintado na magsisimula ngayong araw sa hapon ng Kapamilya Network.

“Goodluck sa kanya kasi kung may show siya sa ABS, ibig sabihin okey ‘yung pamilya niya, ‘di ba?,” reaksiyon niya.

Umaasa kasi si Aljur na magiging okey na ang relasyon nila ni Binoe bilang hilaw na magbiyenan at maging open sa kanila.

“Hopeful din naman ak . Wala rin naman akong ano sa kanya … ako’y tatay. Ang lahat ng tatay ang gusto ay  pakasalan ang anak. Eh, kung napakasalan niya ang anak ko, eh, ‘di wala na kaming isyu. One plus one lang ‘yun.Kailangang pa ba niyang pag-isipan pa kung ano ang problema namin. ‘Yun  lang  ‘yun,” tugon ng actor.

Ini-request na ba niya kay Aljur na pakasalan si Kylie?

“Hindi ako marunong mag-request. Kung papayagan lang ako ng anak ko, ‘di hinatak ko ‘yan hanggang simbahan, ‘di ba? Eh, takot ako sa anak ko, eh,” seypa niya.

Pero ano ang masasabi niya na kagustuhan din ni Kylie na ayaw magpakasal?

“Ay hindi ko alam…sa kanila ‘yan. Ako kasi, number one symbol ng freedom. Kahit sa mga anak ko, hindi ako double standard, sa ibang tao nagtuturo ako ng freedom tapos ‘yung mga anak ko. May kalayaan ang anak ko sa gusto niyang gawin.

“Ang sinasabi ko lang, kung gusto nilang makuha ‘yung suporta ko, e sundin nila ako. Ngayon, kung ayaw naman nila kunin ang suporta ko, di ‘wag nila akong sundin. Huwag silang gumawa ng isyu sa akin,” deklara pa niya.

Anyway, makakasama ni Binoe sa Sana Dalawa Ang Puso Ko sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria. Huling serye pa ni Robin na ginawa sa Kapamilya ay ang Kailangan Ko’y Ikaw noong 2013.

Kuwento ni Robin, nagpasintabi pa siya kay Richard bago pumasok sa tambalang JoChard.

“Pinuntahan ko pa si Sir Chief (Richard) at nagpaalam ako kung puwede akong mag-over da bakod.”

Pagbibiro pa niya, ”Bata pa lang ay pinanonood ko na sila, sumasabog ang kagandahan ni Jodi.”

Talbog!

TALBOG!
ni Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …