Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Max at Pancho, ‘di pa adjusted bilang mag-asawa

AYON kay Max Collins, hindi pa siya nakakapag-adjust nang husto sa buhay may-asawa bilang misis ni Pancho Magno. Noong nagsama na  sila sa iisang bubong, feeling niya ay mag-boyfriend at girlfriend pa rin sila.

Ikinasal ang dalawa noong December 17, 2017.

“Hindi pa kami nakapag-settle, we haven’t really had time together bilang mag-asawa so that’s what I’m looking forward to. After the wedding kasi, nagkaroon ng maraming trabaho, ‘di ba? We’ve been promoting, taping and going to so many events ng GMA-7,” sabi ni Max.

“Busy si Pancho with his show, ‘tapos ako naman din. Magkaiba minsan ang schedules namin sa work kaya halos hindi kami magkasama sa iisang araw.

“But we’re doing our best to really adjust to this married life. I’m adjusted in a sense where I’m in love and we’re in love. Now it’s more about thinking about each other, hindi lang namin iniisip ‘yung mga decision namin or ‘yung mga gusto namin. Pero siyempre naroon na ‘yung compromise. We always talk about all of everything before we decide,”  aniya pa.

PAGSASAMA NINA VICE AT VIC
SA MMFF, HINIHINTAY

ILANG beses nang nagtapat ang mga pelikula nina Vice Ganda at Vic Sotto sa Metro Manila Film Festival.

Tuwing may entry si Vice, mayroon din si Vic.

Tulad ngayong taon, pareho silang may entry, ang Gandarapido: The Revenger Squad ni Vice at ang Meant To Bhe ni Vic.

Wish ni Arnell Ignancio na sana ay magsama naman ang dalawa sa iisang  pelikula kapag MMFF.

“‘Di ba maganda ‘yun? Wala na ‘yung pagbubu­kod-bu­kod. Lahat nag­kakaisa, ‘di ba?” sabi ni Arnell.

MA at PA
ni Rommel Placente

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …