Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagtitiyak ni Beauty: Ako ang unang tatawagan ‘pag ikakasal sina Ellen at JLC

MATALIK na kaibigan ni Beauty Gonzales si Ellen Adarna kaya tinanong siya ng press kung makadadalo siya sa napapabalitang kasal nina John Lloyd Cruz at Ellen sa Pebrero?

“Hindi ah, wala naman akong alam diyan,” tugon niya sabay tawa.

“Hindi po sila ikakasal. Wala pong kasal,” deklara pa ni Beauty.

Baka naman hindi pa siya ini-inform?

“Hindi.. wala akong balita,” sambit niya.

Alam ni Beauty na siya ang unang tatawagan ’pag ikakasal si Ellen. Tiyak niya na sasabihan nila ang mga friend nila.

“Bakit naman nila itatago ‘yun  kung masaya sila sa isa’t isa? Bakit kailangang itago ang mga bagay-bagay  na nakikita naman ng mga tao?,” bulalas pa niya.

Balitang-balita sa Cebu na may preparation na at may mga ninong at ninang na.

“Naku, nakakatawa naman,”  reaksiyon niya.

Sinabi rin ni Beauty na ang pamilya ni Ellen ay may catering business. Wala ring florist gaya ng napapabalita.

“Malapit na ang Sinulog baka nagpa-flower sila sa bahay nila,” sambit pa niya.

Pero kung sakaling matutuloy ang kasal ng dalawa ay magiging happy siya. Willing siyang maging abay o maski ninang.

“Hayaan na natin silang maging masaya. Wala na nga sila rito sa showbiz na mundo natin, so patahimikin na natin sila,” sey pa ni Beauty.

Talbog!

PAGIGING MASAYA
NINA ELLEN AT JOHN LLOYD,
PINATUNAYAN NI JOEM

ISA rin sa barkada ni John Lloyd Cruz ay si Joem Bascon.

Ayon sa actor, matagal na ring nasa likod ng kamera sina Ellen at Lloydie.

“’Pag makikita mo sila offcam …alam mo ‘pag nakikita mo sila masaya talaga sila,” deklara niya.

Maniwala na lang tayo at magulat ‘pag sina John Lloyd at Ellen na  mismo ang magsabi na pakakasal sila.

Pak!

TALBOG
ni Roldan Castro

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …