ARESTADO ang isang lalaking suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 11-anyos dalagitang pamangkin na natagpuang patay sa Valenzuela, nitong Huwebes.
Sinabi ni Senior Insp. Jose Hizon, hepe ng Valenzuela City Police, dakong 8:00 pm nang arestohin ang suspek na si Ricky Castillano, 47, tiyuhin ng biktimang si Ednielyn Grace Oliveros, sa kanyang pinagtatrabahuan sa Danding Building sa C.J. Santos St., Poblacion II, Brgy. Malinta.
Nang iharap sa media ang suspek, hindi siya makapagsalita makaraan ma-stroke.
Iminumuwestra lamang ng suspek ang ginawa niyang pagpatay sa pamangkin at ang kapatid ang nag-interpret ng kanyang sinasabi.
Ayon sa suspek, ayaw magising ng kanyang pamangkin kaya nilaslas niya ng kutsilyo ang leeg ng biktima.
Nagpumiglas umano ang biktima kaya nahubaran ngunit mariin ni-yang itinanggi na ginahasa niya ang dalagita.
Habang ayon sa SOCO, hihintayin nila ang resulta ng eksaminasyon para matukoy kung nagahasa ang biktima.
Narekober sa suspek ang isang damit na may mga bahid ng dugo.
Sinabi ni Supt. Ronaldo Mendoza, hepe ng Valenzuela Police, itinuturing nilang sarado na ang kaso ng pagpatay sa biktima.
Magugunitang unang itinuring na “person of interest” ng pulisya ang tiyuhin ng biktimang hi-nihinalang ginahasa bago pinatay.
Natagpuan nitong Huwebes ng kaniyang nakababatang kapatid ang labi ng biktima sa loob mismo ng kanilang bahay sa Libis Bukid, Malinta, Valenzuela City.
“Tinadyakan niya ‘yong pintuan nila, pagkakita nila naka-handusay ‘yung kapatid niyang babae,” ayon kay Andy Torres, kagawad sa Brgy. Malinta.
Laslas ang leeg ng biktima, nakababa ang salawal, at may kutsilyong nakita sa paanan niya.
“Posibleng ginamit din ng ano ‘to, ng suspek. Pero [ang] malinaw do’n, may sugat sa leeg,” pahayag ni Senior Supt. Ronnie Mendoza ng Valenzuela police.
Napag-alaman, ipinaampon sa mga tiyuhin ang biktima at kani-yang mga kapatid.
Naging “person of interest” ang isa nilang tiyuhin na nakuhaan ng CCTV habang paalis sakay ng bisikleta dakong 10:00 ng umaga nitong Huwebes.
Ayon sa isa pang tiyuhin ng biktima, hindi niya alam kung saan pumunta ang kapatid, ngunit kutsilyo umano ng “person of interest” ang nakita sa pinangyarihan ng krimen.
Pansamantalang kukupkupin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tatlong kapatid ng biktima.
(ROMMEL SALES)