Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xian Lim Kim Chiu

KimXi, happy sa bakasyon sa Denmark at Finland

HABANG masayang nagbabakasyon sina Kim Chiu at Xian Lim sa Denmark at Finland, bitter naman ang mga basher sa social media. Sila ang maligalig at hindi happy sa KimXi.

Pinagbibintangan tuloy na ilan doon ay Kimerald dahil gusto nila ay si Gerald Anderson pa rin ang kasama ni Kim.

Hello, may kanya-kanyang life na ang dalawa kahit magkasama sila sa isang serye. Balita nga rin na nagbakasyon din sina Gerald at Bea Alonzo sa US.

Big deal sa netizens kung BF-GF ba o BFF lang ang bakasyon nina Kim at Xian dahil wala pang direktang pag-amin sa dalawa.

Pero sagot naman ng isa, kung BFF lang, mas pipiliin mo bang makasama ito out of the country instead na family sa araw ng Pasko at New Year? Kung BFF lang ay puwede namang kumain lang sa labas.

May basher din na nagsabing pilit ang relasyon ng KimXi for the sake ng career nila at nagpapapansin.

Aba, kung gagawin ‘yan ng KimXi ‘di dapat noon pa at todo sweet sa mga post nila sa kanilang social media account.

“Ang expensive naman na pilitan na ‘yan. European vacay pilitan?,” pakli naman ng isang nagmamalasakit sa KimXi.

‘Wag magmaasim sa bakasyon nina Kim at Xian dahil minsan lang ‘yan at lagi silang pagod sa work nila. ‘Wag din makialam sa vacation nila dahil galing ‘yan sa pinagpaguran nila.

Dapat happy na lang habang chill ang KimXi at walang ka-effort-effort.

“Kita ko ang sincerity ng love ng dalawa. Bakit ba hirap kayo maging happy for them?,” saad pa ng isang netizen.

Memorable ang bakasyon ng KimXi dahil after Denmark ay dumiretso sila sa Finland na tiningnan nila ang Northern Lights. Binisita rin nila si Santa Claus sa Santa Claus Village.

Pak!

TALBOG
ni Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …