Tuesday , May 6 2025

Dalawang jersey ni Kobe Bryant ireretiro ngayon

ITATAAS na ngayon sa bubong ng Staples Center sa Los Angeles California ang dalawang jersey ni Lakers legend Kobe Bryant.

At simula sa araw nito ay magiging imortal at alamat na sa kasaysayan ng Los Angeles Lakers ang kanyang pangalan at mga numero.

At ito nga ang numero 8 at 24 na jersey ni Bryant na ireretiro ng Lakers ngayon sa halftime show ng kanilang laban kontra sa nagdedepensang kampeon na Golden State Warriors.

Isang taon pa lang mula nang magretiro si Bryant sa basketball at ngayon ay ireretiro na agad ang kanyang jerseys na nangangahulugang wala nang maaaring magsuot ng alinman sa 8 o 24 numero sa Lakers habambuhay.

Huling naglaro si Bryant noong 3 Abril 2016 kontra sa Utah Jazz na tinabunan niya ng makasaysayang 60 puntos upang tapusin ang kanyang 20-taong makasaysayang karera.

Pagpasok ni Bryant noong 1996 ay numero 8 ang ginamit niya. Tumagal ito nang 10 taon bago magpalit sa 24 sa natitirang 10 taon ng kanyang karera.

Sa numero 8 ay nagkamal ng 16,866 puntos si Bryant kabilang ang 3 kampeonato habang nagbuslo siya ng 15,868 puntos, dalawang kampeonato at dalawang Finals MVP habang suot ang numero 24.

Sasamahan ni Bryant ang iba pang mga alamat ng Lakers na nairetiro na ang kanilang mga numero tulad nina Wilt Chamberlain, Jerry West, Kareem Adbul Jabbar at Magic Johnson.

(JBU)

About John Bryan Ulanday

Check Also

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Japan namayani sa NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Japan namayani sa NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

 OLONGAPO CITY, Zambales – Namayani ang mga atletang Hapones sa elite division ng 2025 Subic …

PSAA Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

KABUUANG 10 koponan sa pangunguna ng Philippine Christian University -Manila ang sasalang sa opisyal na …

LA Cañizares Tao Yee Tan Padel Pilipinas

Padel Pilipinas, Kampeon sa Pro Mix ng APPT Kuala Lumpur Open

NAGPAMALAS ng husay ang ating mga atleta matapos masungkit nina LA Cañizares at Tao Yee …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *