Friday , April 25 2025

Marcial PBA OIC (Narvasa, nagbitiw na sa puwesto)

NAGBITIW na sa kanyang puwesto bilang Commissioner ng Philippine Basketball Association si Chito Narvasa at hahalili sa kanya bilang Officer-in-Charge o OIC Si Media Bureau chief Willie Marcial.

Ito ang kagimbal-gimbal na ulat na inianunsiyo ng PBA Board of Governors kahapon sa biglaang press conference ilang minuto bago ang opening ng 43rd season ng PBA.

Ayon sa board, isinumite ni Narvasa ang kanyang pagbibitiw kahapon din na dapat ay epektibo kaagad.

Ngunit nakiusap ang PBA Board na palawigin ito hanggang 31 Disyembre 2017 upang magkaroon ng banayad na pagpasa ng mga gawain sa PBA sa bagong tapamahala na si Marcial.

Magsisilbi bilang OIC na magpapatakbo sa araw-araw na pamamalakad sa liga si Marcial hanggang mapangalanan ang susunod na Commissioner.

Kamakalawa ay napaulat na ang pagbibitiw ni Narvasa at ang pagbuo ng tinatawag na transition team para sa kanyang pag-alis ngunit kahapon lamang ito nakompirma nang magpakita ng puwersa ang PBA Board sa pagkakaisa para sa pagpapatuloy ng liga.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay nagkagulo ang liga ukol sa puwesto ni Narvasa. Nahati sa dalawang paksyon ang 12 Governors.

Pitong koponan ang sumuporta na huwag nang palawigin ang termino ni Narvasa habang lima naman ang nanindigan na manatili pa bilang Commissioner ng liga si Narvasa.

Nagresulta ito sa mahabang hindi  pagkakaunawaan sa loob ng pinakaunang liga sa Asya.

Nagkaroon ng agam-agam na hindi matutuloy ang ika-43 taon ng liga.

Ngunit inianunsiyo ang opisyal na simula nito nitong Miyerkoles sa ginanap na press conference na dumalo ang lahat ng 12 Governors na siyang unang pagtitipon nila pagkatapos ng isang buwan.

Ngayon, ibinaon na sa limot ng liga ang mga nangyaring hindi pagkakaunawaan at handa nang magpatuloy sa ika-43 taon.

Habang isinusulat ang balita ay nagaganap ang opening ceremonies ng PBA na pumarada ang 12 koponan kasama ang kanilang 12 muses bago ang magaganap na sagupaan sa pagitan ng San Miguel at Phoenix sa ganap na 6:45 ng gabi.

ni John Bryan Ulanday

About John Bryan Ulanday

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *