Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

60th triple double para kay James (Cavs pinaluhod ang Jazz)

ITINARAK ni LeBron James ang ika-60 niyang triple double upang pangunahan ang 109-100 panalo ng Cleveland kontra Utah Jazz sa umiinit na 2017-2018 National Basketball Association kahapon.

Naglista ang 32-anyos na si James ng 29 puntos, 10 assists at 11 rebounds para sa Cavs na umangat sa 22-8 kartada.

Bunsod nito, naungusan ni James si Larry Bird bilang ikaanim na pinakamaraming triple doubles sa kasaysayan ng NBA.

Nasa unahan na lamang ni James sina Wilt Chamberlain (78),

Russell Westbrook (89),

Jason Kidd (107),

Magic Johnson (138)

at Oscar Robertson.

Mula nang simulan ang season sa 5-7 kartada, napanalunan ng  Cavs ang 17 sa huling 18 laro na kinatampukan ng 13 sunod na panalo upang pumangalawa sa Eastern Conference sa likod ng Boston na may 24-6 marka.

Nagdagdag si Kevin Love at Kyle Korver ng 15 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa Cavs.

Samantala, nawalan ng saysay ang 26 puntos ng rookie na si Donovan Mitchell para sa Utah na naglaro nang wala si Rudy Gobert at Derrick Favors.

Nalaglag sa ikasiyam sa West ang Jazz sa 14-16 kartada. (JBU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …